Chapter 26

105 4 1
                                    

Chapter 26

Simula ng araw na umamin siya sa akin ng kanyang pagkakamali ay naging maayos kami. Araw-araw ay sabay kaming kumakain ng lunch. Hindi din siya pumapalya sa paghatid sa akin pauwe ng bahay. Kahit Sabado at Linggo ay nagkikita kami. Ramdam ko ang pagbawi niya sa nagawa niyang 'yon. Hindi naman din ako nagsisisi na pinatawad ko siya.

Natatakpan n'on ang lungkot ko dahil halos isang buwan na din na hindi kami nag-uusap nila Maye at Rachel. Nagkikita kami sa school pero para lang kaming mga hangin sa isa't-isa. Nahihiya din ako dahil kahit hindi kami okay ni Maye ay ipinabilin naman niya na pwede pa naman din ako tumira sa bahay niya. Gusto ko din siyang kausapin pero kinakain ako ng hiya ko dahil sa nangyari sa dinner namin noon.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya bumangon ako para kunin 'yon. "Hello?" sagot ko.

"Good morning," bati niya sa kabilang linya.

"Good morning. Kumusta nag tulog mo?"

"Ayos lang naman. Namimiss na agad kita."

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti. "Ako din. Anong oras ba tayo magkikita?"

"Hindi ko ba nasabi sa'yo?" parang gulat na sabi niya.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"May aasikasuhin kami ni Daddy ngayon sa business niya. May mga ituturo daw kasi siya sa akin."

"Ah, ganoon ba?"

"Sorry. Hindi ko pala nasabi sa'yo kagabi."

"Ayos lang. Mahalaga naman 'yang gagawin n'yo."

"Hindi ka galit?"

Umiling naman ako kahit alam kong hindi niya makikita. "Hindi. Importante 'yan. At saka halos araw-araw naman na kita nakikita. Baka magsawa ako sa'yo n'yan." Natatawang sabi ko.

"Nagsasawa ka na ba sa akin?"

"S'yempre, hindi," nakangiting sabi ko. "Ikaw pa ba!" Usal ko ag narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Promise, babawi ako sa'yo sa Valentine's Day."

"Aasahan ko 'yan."

Masayag natapos ang pag-uusap naming dalawa. Nagpaalam na siya ng marinig ko siyang tawagin ng Daddy niya sa kabilang linya. Sabado ngayon, pero hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin. Dahil nasa mood ako ay gumawa muna ako ng mga assignment ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nagagawa ang poem na irerecite namin sa English subject ko. Inspired naman ako pero wala akong makuhang hugot sa sarili ko. Kaya inuna ko nalang munang gawin ang ibang subject.

Halos kinain ko ang buong umaga sa assignment ko sa Accounting. Nakakainis. Feeling ko lahat ng sagot ko don mali. Tanghali na ng matapos ako sa ilang subject ko kaya tinamad na ako magluto ng pananghalian ko. Chineck ko ang phone ko pero wala ding message sa akin si Gio. Sigurado naman ako na busy siya.

Ala-una na ng maisipan kong kumain nalang sa mall. Nang paalis na ako ng bahay ay sinubukan kong tawagan si Gio pero hindi niya nasagot ang tawag ko kaya nagmessage nalang ako sa kanya.

To: Gio.

Tumawag pala ako para tanungin ka kung kumain ka na. 'Wag kang magpapagutom ah. Text mo agad ako kapag hindi ka na busy. I love you.

Nang maisend ko na 'yon ay natawa pa ako sa sarili ko. Ako nga itong nagpagutom tapos late ko na siya tinanong kung kumain na ba siya.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon