Chapter 6

88 8 0
                                    

Chapter 6


"Belle?" rinig kong tawag sa akin kasabay ng katok sa pinto ng kwarto ko. "Belle?" pag-uulit niya kaya bumangon na ako para pagbuksan siya.

Sisigawan ko sana si Maye pero si Rachel ang nakita ko "Bakit nandito ka na?" tanong ko sa kanya

"Nag-alala kasi ako sayo. Tumawag sa akin kagabi si Maye, ikinuwento na sa akin yung nangyari" sabi niya at nalungkot naman agad ako "Kagabi ko pa sana gusto pumunta dito pero hindi ako pinayagan ni Papa" dagdag niya

"Baka kasi sakaling sa kanya making ka" masungit na sabi ni Maye

"Sige na maghilamos ka muna sabay-sabay na tayo kumain" sabi ni Rachel.

Bumuntong hininga muna ako bago tumungo sa banyo. Nang matapos ako maghilamos at toothbrush ay dumiretso na ako sa lamesa.

"Ako nagluto niyang pancake, hotdog, egg, at bacon" sabi ni Rachel "Galing ko magluto no?"

"Eh ayan lang naman ang alam mong lutuin eh" natatawang sabi ko

"Atleast nakakapagluto, hindi katulad ng isa diyan" sabi niya sabay tingin kay Maye.

"Ah so, kasalanan ko pa kung pinalaki ako ng parents ko ng buhay prinsesa?" maarteng sabi niiya

"Hahaha.. Bakit ako din naman ah. Pinalaki ako na hindi kumikilos sa bahay pero atleast may alam ako sa gawaing bahay" natatawang sabi ni Rachel "Baka pagpinalaba kita ng mga damit mo, mag-inarte ka na masakit ang kamay mo"

"Eh bakit kasi ako na naman ang nakikita niyo?" pag-iiba niya ng topic

"Thank you" sabi ko sa kanilang dalawa. Ngumiti naman si Rachel at ngumiwi naman si Maye "Sorry Maye kagabi. Naiintindihan naman kita kagabi, hindi ko lang talaga matanggap sa sarili ko na hindi siya tumupad sa sinabi niya."

"Ngayon alam mo na?" masungit pa ding sabi niya

Tumango naman ako "Pero alam kong hindi lang siya yung may mali. Ako din. Kung sinunod kasi kita na tanungin siya baka sakaling hindi na ako naghintay sa kanya. Edi sana maayos ang date niyo kahapon ni Joseph"

"Mas mahalaga ka pa din naman eh" sabi ni Maye kaya tuluyan na ako napangiti. "Kung hindi maiintindihan ni Joseph iyon, mabuti pang wag niya nalang ituloy panliligaw niya. Pero siya din kasi nagsabi na kailangan ka na namin sundan at baka kung ano pa ang mangyari sayo"

Tumingin naman ako sa kanilang dalawa "Sorry kung pinag-alala ko kayo" sabi ko at tumingin kay Rachel "Sorry naabala pa kita, imbes na kasama mo parents mo nandito ka ngayon"

"Kaibigan kita, kaya hindi mo kailangan humingi ng sorry dahil kapag may problema ka kahit nasaan pa ako pupuntahan kita.. kayo" sabi niya at tumingin din kay Maye "Ganoon ko kayo kalove. At sigurado ako na maiintindihan iyon ni Mama at Papa dahil para narin nila kayong anak"

"Love love ko din kayo" nakahawak sa mukha na sabi ko.

"Tama na ang kadramahan ah. Ang korni eh" sabi ni Maye

"Wushu!" pang-aasar ni Rachel kay Maye "Oh, kamusta na kayo ni Joseph? Ano na ba score niya sayo?"

Ngumiti na naman siya na parang kinikilig "Uso sumagot. Wag ka ngang kiligin diyan" pang-aasar ko naman sa kanya.

"Eh hindi ko mapigilan eh" kinikilig na sabi niya "Okay naman siya. Galante, mabait, may sense of humor din, hindi ko maitatanggi na gwapo siya."

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon