Chapter 28
"Gustong-gusto kita noon pa, Belle."
Kanina pa ako pa-ikot-ikot dito sa kama ko dahil paulit-ulit ko ding naiisip ang sinabi ni John sa akin. Paano nangyari? Saan nangyari? Kelan nangyari? Hindi ko alam ano gagawin ko. Hindi ko alam ano iisipin ko. Naguguluhan ako. Tama bang maguluhan ako? Hindi ba dapat hindi, kasi alam kong si Gio naman ang gusto ko?
Hindi na kami nag-usap kanina ni John matapos niyang umamin sa akin. Hanggang sa maihatid niya ako dito sa bahay ay tahimik lang kami. Nakatanggap naman ako ng text galing sa kanya.
From John:
Sorry for making you feel uncomfortable, Belle. But I am not sorry for saying those words. Goodnight.
Gusto kong tanungin sila Rachel at Maye pero ayoko silang abalahin ngayon dahil kasama nila ang mga nobyo nila. Aaminin ko panandalian kong nakalimutan na boyfriend ko si Gio habang kasama siya.
Iniisip ko tuloy kung niloloko ko na din si Gio dahil sa ginawa kong pagsama kay John. Sabi ni Maye kanina 'enjoy sa date', ibig bang sabihin niloloko ko na din siya?
Kinabukasan ay doon na ako tinanong nila Maye kung anong nangyari sa date namin ni John. Magkakasama kami ngayon sa lamesa para mag-breakfast.
"Hindi nga kasi date 'yon!" sabi ko.
"Oo na! Anong ginawa n'yo?" Tanong ni Maye. Kaya wala akong nagawa kung di ikuwento lahat. Lahat. Pati ang pag-amin ni John ay sinabi ko. Todo ngiti naman si Maye na parang kinikilig pa. "Bagay kayo."
"Ano bang pinagsasabi mo? Baka nakakalimutan mo may boyfriend ako."
"Oh, eh nasaan siya ngayon? Nagkausap na ba kayong dalawa?"
Umiling naman ako. "Hindi pa din. Tinetext ko siya pero sabi niya busy pa daw siya. Tapos aalis din siya bukas dahil nga anniversary ng parents niya."
"Naniwala ka naman?" Tanong ni Maye habang nakataas ang kilay.
"Oo naman. Alam naman niyang importanteng araw bukas. Imposible naman na pati 'yon ipagkakait niya pa sa akin kung hindi naman mahalaga ang lalakarin nilang pamilya."
"Gusto mo sumama nalang sa amin bukas?" Tanong ni Rachel. "Bibisitahin muna namin si Mama bago kami mag-date ni Jeff."
Umiling naman ako. "Hindi na! Date n'yo 'yon tapos makikigulo pa ako."
"Ayos lang naman 'yon kay Jeff, eh."
"O 'di kaya, mag-dinner nalang tayo sa labas?" Sabi naman ni Maye.
"Mao-OP lang ako."
"Isama mo si John!"
"Ayoko nga!" Sabi ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang sasabihin ko sa kanya. Bakit naman ba kasi umamin siya sa akin? Hindi dapat siya nagsabi ng ganon dahil alam niyang may boyfriend na ako. Pero agad ko ding nahampas ang noo ko ng maalala ko na ako nga pala ang nagsabi na dapat umamin siya sa babaeng gusto niya.
"Iniisip mo siya 'no?" Nakangising tanong ni Maye sa akin.
"Tumigil ka nga, Maye!" naiinis na sabi ko.
"Titigil lang ako kapag pumayag ka na sa dinner bukas?"
"Oo na pero ako lang ang sasama sa dinner bukas." Sabi ko. Tumayo na ako ng matapos ko ang kinakain ko. Dumiretso na ako sa kwarto ko dahil hindi ko na kaya ang pang-aasar ni Maye sa akin. Hindi naman sa nagagalit ako sa kanya pero tuwing nababanggit ang pangalan niya, bumabalik sa isip ko ang huling sinabi niya sa akin.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...