Chapter 15Nagising ako nang maramdaman ko ang init na galing sa sinag ng araw. Nagmulat ako at tiningnan agad ang orasan, mag-alas otso na ng umaga! Late na ako sa accounting!
Dali-dali akong bumangon at naligo agad. Nagtataka ako kung bakit hindi ako ginising nila Maye. Nang makapagbihis ay dali-dali na akong lumabas ng kwarto. Ilang beses ko pang kinatok ang pinto ng kwarto ni Maye pero hindi siya sumasagot. Tiningnan ko din ang kotse niya pero wala na din.
"Kung hinahanap mo sila Maye ay kanina pa umalis," lumingon ako at nakita ko si Manang Flora.
"Po? Bakit hindi nila ako ginising?"
"Kinatok nila ang kwarto mo pero hindi ka sumasagot. Inilock mo pa kagabi ang pinto mo kaya hindi ka nalang nila ginising."
Hindi na ako sumagot at agad na tumakbo palabas ng bahay hanggang sa sakayan ng jeep. Tapos na ang klase ng dumating ako sa classroom namin.
"Oh, Belle!" bungad ni Gio sa akin pagkabukas ko ng pinto. "Bakit ngayon ka lang?"
"Nalate kasi ako ng gising," sagot ko dito at palabas na ng pinto si Rachel at Maye.
"Mauna na ako sa'yo, Maye," paalam ni Rachel at agad na umalis. Gan'on din ang ginawa ni Maye. Hindi man lang silang nag-abala na tumingin sa akin.
"Hindi ka nakapag-exam," usal ni Gio kaya sa kanya ulit napunta ang atensyon ko.
"Kaya nga, eh."
"Hindi ka ba nila ginising?" tanong niya habang pababa na kami ng hagdan.
"Ginising daw nila ako sabi ni Manang Flora," sagot ko at bumuntong-hininga. Tumigil siya sa pagbaba kaya huminto din ako.
"Nag-away ba kayo?"
"Huh? Bakit may sinabi ba sila?" nagtatakang tanong ko.
Umiling naman siya at naglakad na ulit. "Wala. Pero n'ong dumating sila hindi man lang sila nag-usap. Hindi din sila sabay dumating, mas nauna si Rachel."
'Hindi din sila nag-sabay?'
"Ikaw naman," sabi ko at tinapik siya ng mahina. "Paano ko malalaman kung natutulog pa ako sa bahay n'on?" natatawang sabi ko.
"Sabi ko nga," nakangiting sabi niya.
Hanggang matapos ang klase namin ng araw na 'yon, hindi ako pinansin ni Maye. Kahit sa break time namin ay hindi kami nagsabay na tatlo. Wala akong choice kung 'di kumain ng mag-isa.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa at nagbabasa ng libro. Nilibot ko ang paningin ko dahil hindi ko makita si Rachel. Wala rin akong sounds na naririnig sa loob ng kwarto nito. Mukhang wala pa siya. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at natulog.
Dumaan ang ilang araw na gan'on lang kami. Hindi pala sa bahay umuuwe si Rachel kaya hindi ko siya nakikita. Apat na araw na paulit-ulit kaming nag-iiwasan. Kahit sa practice wala pa din kaming pansinan, pero kahit gan'on ginagawa naman namin ng maayos ang sayaw.
Halos isang linggo nalang ay performance na namin, kaya todo practice na kami kapag ganitong may pagkakataon. Dito na kami sa bahay nagpapractice dahil tapos na din naman ayusin ang second floor.
"Break muna," usal ni Jeff at agad naupo sa sahig. Nagkanya kanya kaming pwesto at uminom ng tubig. Pumuwesto ako malapit sa speaker at d'on naupo.
"May problema ba kayo?" biglang tanong ni Dave.
Nag-iwas naman ng tingin si Maye dito at si Rachel naman ay nanatiling tahimik. Kahit ako ay hindi sumagot sa tanong niya.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...