Chapter 14
Nakarating na kami sa bar na napili ni Jeff. Nandoon na din si Mark at Dave na nagsisimula ng mag-inom. Katabi ko si Maye na katabi naman si Joseph. Sa kabilang pwesto naman sila Rachel at Jeff. Nagsimula na din silang uminom pero hindi ako.
Ilang beses ko pa tinawagan si Gio bago niya tuluyang sinagot ang tawag ko.
"Hello?"
"Nasaan na kayo?" tanong ko.
"Malapit na kami... Eto na, nakikita na namin kayo."
Lumingon-lingon ako at nakita ko na din siya na papalapit na sa amin. Napansin na din siya nila Jeff. Halos mapigil ko ang hininga ko ng sa akin siya tumabi.
"Hi," bati niya at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
Kagat-labi naman akong gumanti sa kanya ng ngiti. "H-hi."
"Kanina pa kayo?" tanong niya at umiling ako. "Iinom ka?" tanong niya ulit pero muli akong umiling. "Bakit?"
"Oo nga! Bakit hindi ka iinom?" tanong din sa akin ni Nathan na nakaupo sa tabi ni Rachel na kaharap ko.
"Bawal sa kanya kaya 'wag na kayong magtanong pa kung bakit," si Rachel na ang sumagot bago inumin ang beer sa baso niya.
Nagtatanong naman ang itsura ni Gio ng lumingon sa akin. Maya-maya lang ay kumuha siya ng platito at naglagay ng pulutan d'on saka inilapag sa tapat ko.
"Kumain ka nalang," usal niya at ginulo ang buhok ko. Binaling niya na ang tingin sa ibang kasama namin at nakipag-kwentuhan na.
"Ang saya mo, ah," bulong naman sa akin ni Maye. Isang matamis na ngiti lang ang iginawad ko sa kanya. "Tipirin mo 'yan, baka mamaya lungkot ang kapalit niyan."
"Panira ka naman ng mood, eh!" singhal ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin at muling bumaling sa nobyo niya.
"Huwag ka masyadong uminom, ah," mahinang sabi ko kay Gio. Tumingin siya sa aking matapos sumubo ng pulutan.
"Don't worry, 'di naman agad ako nalalasing."
"Kahit na, mas mabuti na 'yung may magpapaalala sa'yo," nakangiting sabi ko.
"Mamaya lilipat tayo, ah!" anunsyo ni Jeff.
"Saan?" sabay-sabay naming tanong.
Tinuro naman niya ang daan sa likod namin. "Dyan, sa club d'yan. Boring naman kung dito lang tayo."
"Ayos lang sa amin," usal naman ni Maye.
"Ayos lang din sa akin," sagot ko at tumingin kay Gio na hindi naman nakatingin sa akin.
"Told ya'h," bulong sa akin ni Maye ngunit 'di ko siya pinansin. "Hindi naman nakabihis ng maayos si Rachel, eh!"
"Bawal ba ang suot ko d'on?" tanong ni Rachel sa mga ito at tiningnan ang damit. Nakasuot ito ng shorts at simpleng blouse lang at sneakers.
"Ayos naman na 'yan," sabi naman ni Jeff.
"Eh, ang problema, papapasukin ba kami d'on?" tanong ko naman kay Jeff.
Tumango naman 'to. "Oo. Kilala ko ang may-ari n'on. Pero hindi niya na kayo papayagan na uminom."
"Ayos lang sa akin," sagot ko. Walang problema sa akin 'yon dahil 'di naman talaga ako umiinom. Minsan lang.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...