Chapter 25Sabay na kami ni Gio pumunta sa bahay para sa magaganap na dinner namin. Nadatnan namin doon si Rachel na nagluluto habang si Jeff naman ay tumutulong sa kanyang nobya. Si Maye at si Joseph naman ay nakaupo lang habang nanunuod ng movie.
"Nandito na pala kayo," bati sa amin ni Maye.
"Maupo ka muna," usal ko at tinuro ang sofa. Pumasok naman ako agad sa kwarto para makapagpalit ng damit. Dumiretso na din agad ako sa kusina para makapagluto.
Ilang minuto na ang lumilipas pero heto pa din ako nakatayo lang, walang maisip kung ano ang pwede kong iluto para kay Gio.
"Anong ginagawa mo?" bulong sa akin ni Maye ng makalapit siya. Nanonood na ang tatlong lalaki na kasama namin.
"Ipagluluto ko nga si Gio."
"Ano naman ang iluluto mo? Ang alam ko hindi ka naman marunong magluto?"
"Kaya nga nagpapaturo ako sa'yo kagabi, eh."
"Ano namang malay ko sa pagluluto? May taga-luto kami sa bahay," sagot niya sa akin.
"Kung pareho kayong walang gagawin dito sa kusina, maupo nalang muna kayo," usal ni Rachel habang hinahalo ang sauce na niluluto niya.
"Gusto ko kasing magluto," sagot ko sa kanya. Bahagya naman niya akong sinulyapan bago muling ibalik ang tingin sa kanyang niluluto.
"Okay, tapos na din naman ako." sabi niya at agad na pinatay ang kalan.
"Next time ka nalang magluto, Belle. Madami narin ang niluto ni Rachel."
"Nasabi ko kasi kay Gio na ipagluluto ko siya."
"Pwede ka naman bumawi sa susunod. Maiintindihan ka naman siguro niya. Maupo nalang tayo," usal niya at agad akong hinila papunta sa sala. Simple lang naman ang mga pagkain, liempo at kare-kare ang ulam. Nakahanda na din ang mga prutas sa lamesa. Nagsimula naman nang kumain ang lahat.
"Hindi na pala kita napagluto," sabi ko kay Gio.
"Ayos lang naman," sagot niya at tiningnan ang mga pagkain sa lamesa bago tumingin ulit sa akin. "Madami na din pagkain. Ipagluto mo nalang ako sa susunod." Sabi niya at tumango naman ako. "'Yong para sa akin lang." dagdag niya pa.
"May i-ce-celebrate ba kayo?" Tanong ni Joseph kila Rachel.
"Wala naman," tipid na sagot nito.
"Actually, mag-de-date lang sana kami ni Rachel kaso mas maganda din kasi may kasama." Usal naman ni Jeff. "Mahirap na, baka biglang maumay sa akin itong girlfriend ko," biro niya.
"Hahaha! Helmet-an mo na 'yan," biro din ni Maye.
"Hindi ako nang-iiwan ng walang sapat na dahilan," seryosong sagot ni Rachel.
Tumigil naman sa pagtawa si Maye. "Ang seryoso mo!"
"Joke lang," biglang bawi ni Rachel at tinawanan si Maye. "Hindi ka pa ba sanay sa akin?"
"Sanay! Aba, malay ko ba kung nagbago ka na?"
"Hindi naman ako basta-basta nagbabago 'no." Nakangiting usal niya bago tumingin sa kanyang nobyo. "Saka maswerte na ako sa dito, kahit mukhang loko-loko pero alam ko at sigurado akong mahal ako." mukhang natuwa naman ang lalaki sa narinig at binigyan ng halik sa noo ang nobya.
Kita sa kanila na masaya nga sila sa relasyon nila. Tiningnan ko si Gio, pero nakaharap lang siya sa pagkain, parang walang ibang kasama. Humawak ako sa braso niya kaya nagawa niyang lumingon sa akin at ngitian ako.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomanceSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...