Chapter 29
Ilang segundo pa ako nanatiling tahimik bago ako magsalita ulit.
Hearing that news I fell into devastation,
The guy who brought me happiness, now bringing me destruction.
The boy I had fantasized before just fooled me and it will hurt more.Now, I realized I'm too much for you.
'Cause you haven't seen the goodness and love I might show you.
You're such a coward playing trick on me,
And someday you will learn that what you've done is a fallacy.Habang sinasabi ko ang mga 'yon ay binibigyan ko ng diin at paminsan-minsang sumusulyap kay Gio. Nakatingin lang din siya sa akin hanggang ngayon. Mukhang nakuha ko ang buong atensyon nya dahil sa tula ko. Muli akong nagsalita pero hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya.
How I wish your infront of me right now,
To tell you the pain I felt somehow.
But then thanks for coming into my life,
You taught me to be wise and be prepared to fight.Tipid akong ngumiti sa kanya ngunit ang seryosong mukha niya ay hindi pa din nagbabago. Muli naman akong tumingin sa papel ko.
Well then I fell into a conclusion,
That the one I loved was just an illusion.
You taught me a lesson I will never forget,
That loving you will make me cry and make me upset.In the past you became my inspiration
but now you are my greatest destruction.
Because you're such a man who doesnt know the meaning of how my love is true.Matapos kong sabihin 'yon ay agad kong pinasa ang papel ko sa prof namin at dumiretso na ako sa upuan ko. Ramdam ko ang pagsunod nila ng tingin sa akin pero hindi ko na pinansin 'yon.
Muli namang nagtawag ang prof ko ng susunod na magrerecite pero hindi ko magawang makinig pa dahil lumilipad ang isip ko.
"Ramdam ko ang sakit d'on sa gawa mo kanina," usal ni Maye habang nasa canteen kami at hinihintay si Rachel. Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya. "Mabuti nalang din 'yon kahit papaano nairelease mo 'yung sakit na nararamdaman mo. Napakita mo din sa kanya na nasaktan ka sa ginawa n'ya sa'yo."
"'Yon nalang naman naisip kong paraan, eh. Iniyakan ko pa 'yon habang sinusulat ko," natatawang sabi ko.
"So wala na talaga?"
"Meron pa. Hindi naman siguro mawawala agad ang pagkagusto ko sa kanya. Kahit naman saglit lang ang relasyon naming dalawa, naging masaya naman ako."
"Pwede mo na bang bigyan ng chance si John?" tanong niya habang nakangisi.
"Paano napasok si John sa usapan?
Natawa naman siya. "Mas bet ko si John para sa'yo, 'no! Atleast 'yon sure kang hindi sasaktan."
"Paano mo naman nasabi na hindi ako sasaktan? Kilala mo ba siya?"
Umiling naman siya. "Feeling ko lang. Isipin mo na kung gaano mo katagal nagustuhan si Gio, gan'on din siya sa'yo. Noon pa namin napapansin ni Rachel si John. Minsan, uupo siya malapit lang sa atin n'on tas laging nakaharap sa'yo at nakatingin."
"Hindi ba parang ang creepy n'on?"
"Wow! Makapagsalita ka naman! Ibig sabihin creepy ka din non? Ganuon na ganuon ka, eh!"
"Sige! Ipaalala mo pa!"
Natawa naman ulit siya. "Sana noon pa lang lumapit na siya sa'yo para sana hindi ka na nasasaktan ngayon."

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...