Chapter 12

83 4 0
                                    


Chapter 12

Ramdam kong pagod ako dahil sa ginawa kong pagpractice kagabi, pero maaga pa din ako gumising dahil excited akong makita ang pinakamamahal ko.

Nagtext lang ako kay Gio bago lumabas ng kwarto. Nadatnan kong nag-aayos si Rachel sa lamesa samantalang si Maye ay nanunuod ng tv habang hawak ang phone niya.

"Excited?" tanong sa akin ni Maye pagkaupo ko sa tabi niya.

"Syempre! Mapapanuod ako ni Gio sumayaw."

"Tayo. Tayo ang mapapanuod niyang sumayaw hindi lang ikaw."

Kontra na naman siya sa akin. "Anong pinakamagandang part sa sayaw natin?" tanong ko sa kanya. Medyo hininaan ko naman ang boses ko para 'di marinig ni Rachel. "'Yong first part ba o 'yung last part?"

Tumingin naman siya akin at parang nagtataka. "'Yung gitna?" patanong na sagot niya.

"Seryoso nga kasi," nakangusong tanong ko. "Tingin ko kasi 'yung dulo ang pinakamagandang part, eh."

"Gusto mo palit tayo?" biglang tanong ni Rachel na nasa gilid ko pala. Tumingin ako sa kanya pero mukhang okay lang naman sa kanya. "Okay lang sa akin na ako sa first part at ikaw ang nasa dulo."

"Talaga?" gulat na tanong ko at tumango naman siya. "Eh paano 'yung boys?"

"Si Dave na ang partner ko at si Vince naman sa'yo," nakangiting sabi niya.

Natuwa naman ako dahil pumayag siya. Atleast d'on sa part na 'yon mas malaki ang chance ko na mapansin lalo ni Gio. Solo namin 'yun ni Jeff at babalik nalang sila Rachel sa chorus.

"Anong oras ka pala dumating dito?" tanong ko. Dahil umalis siya ka kahapon para makasama ang parents niya.

"Kanina lang alas sais," sagot niya habang naghahain ng food.

Habang kumakain kami, saka naman dumating sila Jeff. Sumabay muna sila kumain sa amin bago kami nagtuloy sa practice. Sinabi na din ni Rachel ang mga pagbabago at pumayag naman ang mga boys.

Nagsimula kaming magpractice pero ako ang nahihirapan sa pinili kong posisyon. Masyadong sexy 'yon at kahit ipilit ko na palitan ang step hindi din pwede. Sexy din kasi gumalaw si Jeff kaya lalong hindi kami nababagay na maging magpartner.

Paulit-ulit naman namin ang pag-review ng practice namin pero na sa akin na ang mali. Todo na ang kaseksihan ko sa huling practice namin bago maisipan na mag-break muna.

"Grabe nakakapagod!" sabi ni Maye at uminom ng tubig. Halos lahat naman kami ay uminom ng tubig. "Ano Belle? Kaya pa?" tanong niya sa akin.

"O-oo naman," humihingal na sagot ko.

"Kapag nanalo tayo sa contest, ililibre daw tayo ni Mommy sa Christmas break," biglang usal ni Jeff.

"Talaga? Saan naman?" tanong ko.

"Hindi ko pa alam pero sigurado naman na tutupad 'yon sa promise niya."

"Kailangan magchampion tayo?" tanong naman ni Maye.

"Hindi naman. Siguro basta makapasok lang tayo sa runner up okay na 'yon,"

"'Di dapat pala mas galingan natin," masayang sabi ni Dave habang pumapapak ng hotdog.

"Eh, may problema nga tayo, eh. Nahihirapan pa din si Belle sa part niya," sabi naman ni Maye.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon