Chapter 10
-Knock Knock!-
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng pagkakakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ano ba 'yan!" sigaw ko at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang masamang mukha ni Maye. Kung nakakamatay lang ang tingin, nakabulagta na ako. "B-bakit?" kinakabahan na tanong ko.
Tumaas naman ang kilay niya. "Tinatanong mo ako kung bakit?"
"May ginawa ba ako sa 'yo?" nagtatakang tanong ko. Nakita ko si Rachel sa likod niya.
"Mag-sabi ka na," usal ni Rachel.
"Ano ang sasabihin ko?" nagtatakang tanong ko.
"Ha!" singhal ni Maye. "Kahit hindi mo na sabihin, dahil pagbukas palang ng kotse ko amoy na amoy ko na ang pabango niya!" galit na sabi niya.
"Ano ba talaga ang sinasabi mo? Naguguluhan na ako."
"May sakit ka bang kalimot? O hanggang ngayon lutang ka pa din sa date niyo ng lalaki mo? Kotse mo ba ginamit mo pansundo sa kanya? Ha!" sigaw niya at d'on ako natigilan.
Ibinuka ko ang bibig ko pero walang salita ang lumabas. Dahan-dahan akong tumingin kay Rachel.
"Nalaman niya kanina n'ong chineck niya 'yong kotse," sabi ni Rachel.
Tumingin naman ako kay Maye na masama pa din ang tingin sa akin. "Hindi ko kasi alam, bigla ko nalang nasabi sa kanya 'yon kahapon. 'Wag ka nang magalit," sabi ko.
"Ano pa nga bang magagawa ko? Naisakay mo na," galit pa din na sabi niya. "Mabuti nalang 'di ako 'yong nag-hatid sa'yo kahapon. Kung di iniwan ko kayo pareho sa school!"
"Wag ka na magalit," nakangusong sabi ko. Bakas talaga sa kanyang galit siya ngayon. Nawala kasi sa isip ko na sabihin 'yon eh.
"Mukhang nahahawa ka na sa lokong 'yon ah. Uso ang mag-sorry kapag may nagagawang mali," sarkastikong usal ni Maye.
"Sorry. 'Wag ka na magalit. Please," pagmamakaawa ko sa kanya. "Ililibre kita araw-araw kahit anong gusto mo 'wag ka lang magalit."
Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Kaya ko bumili nang kahit anong gusto ko 'no. Wala ka na bang ibang ma-i-ooffer?"
"Oh, sige ako nalang gagawa ng mga assignments mo," sabi ko
"Hahaha! Ikaw?" natatawang sabi niya at tinuro ako. "'Wag na! Paniguradong babagsak pa ako. Kalimutan mo na 'yon, 'wag mo nalang uulitin! Baka sagasaan ko kayong dalawa," nakangiwing sabi niya pero ngumiti din naman siya.
Tumango naman ako. "Sorry ulit,"
"Wala na 'yun. Kumain na tayo nakapag-handa na ng food si Yaya," sabi niya at dumiretso na ng kusina.
Tumingin naman ako kay Rachel. "Kinagalitan ka din ba?" tanong ko sa kanya.
Umiling naman siya. "Hindi. Eh, sigurado kasi s'yang wala naman na akong magagawa dahil alam niyang ikaw nag-suggest na sunduin si Gio."
Kumunot naman ang noo ko. "Paano niya kaya nalaman?"
"Ewan ko," sabi niya at nagkibit-balikat "Maligo ka na bago ka pumunta ng kusina para kumain. Papunta na din 'yung tatlong lalaki," usal ni Rachel at naglakad na paalis.

BINABASA MO ANG
First Love Never Dies
RomansaSa paniniwala ko, kahit gaano katagal ko siyang hindi makit o nakasama siya pa din ang hinahanap ng puso ko .. Kahit nuong una balewala ako sa kanya, makakagawa din ako ng paraan para mapansin niya.. Kahit sino man ang hadlang paninindigan ko siya...