Chapter 27

85 4 4
                                    

Chapter 27

Simula ng kunin ni John ang number ko ay araw-araw na din kami magkatext. Minsan bago pa ako matulog ay siya ang kausap ko. Aaminin ko masayang kausap si John kahit papaano ay nakakalimutan ko si Gio dahil palagi niya akong pinapangiti. Kahit si Jessa ay minsan nakikisali sa usapan namin. Pero aaminin ko na may kulang. Nakangiti man ako pero hindi pa din masaya ang puso ko. Kahit anong pilit ko nasasaktan pa din ako.

Isang linggo nalang at araw na ng mga puso. Halos dalawang linggo ko nagawang iwasan si Gio pero ngayong Lunes na naman ay hindi ko na alam anong paraan pa ang pwede kong sabihin sa kanya.

Nakarating kami sa classroom at abala siya sa kanyang phone ng maupo ako sa tabi niya.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya. Lumingon ako sa kanya at hindi siya nakatingin sa akin. "May ginawa ba ako?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at lumingon kila Rachel. Kita ko ang pag-aalala nila pero nandoon ang pagpapalakas ng loob.

Tumingin ulit ako sa kanya. "May ginawa ka nga ba?" tanong ko. Lumingon siya sa akin.

"Wala akong ginagawang masama sa'yo, Belle," usal niya. "Akala mo ba hindi ko napapansin ang ginagawa mong pag-iwas sa akin? Kapag tatawag ako sa'yo hindi mo sinasagot. Pag nagtetext ako sa'yo, nagrereply ka nga pero maiksi lang."

"Busy lang ako noong mga nakaraan. Alam mo naman na malapit na ang finals. Hindi ko pa din nagagawa 'yong assignment natin sa English."

"Matagal ng binigay 'yon. Bakit? Wala ka pa din bang inspirasyon? Hindi na ba kita napapasaya?" tanong niya at umiwas ako ng tingin.

'Hindi na.' Agad na nangilid ang luha ko. Kung hindi ko lang alam ang ginawa mo, baka masaya akong nakikipag-usap sa'yo ngayon, Gio.

"Aalis ba tayo sa Valentine's?" pag-iiba ko ng tanong.

"Gusto ko sana kaso mag-a-out of town daw kami. Anniversary din kasi 'yon nia Mommy at Daddy," sagot niya.

"Hayaan mo na. Pwede naman tayo sa ibang araw mag-date," sagot ko nalang.

Natapos ang klase namin ng hindi ako mapakali. Ilang beses namuo ang luha sa mga mata ko pero pinilit kong mawala iyon.

"Sasabay ka ba kila Rachel umuwe mamaya?" Tanong niya at tumango ako. "Gusto sana kita ihatid kaso mukhang iniiwasan mo naman ako. Mag-usap nalang siguro tayo sa susunod," sabi niya pa at nauna ng umalis ng classroom.

Agad na lumapit ang mga kaibigan ko at sinabi ko sa kanila ang sinabi niya. "Mukhang mali yata 'yong suggestion ko na patagalin pa. Dapat nakipag-break ka na." sabi ni Rachel.

"Gagawin ko nalang 'yon sa susunod na linggo. Bibigyan ko pa siya ng panahon para umamin sa ginawa niyang kasalanan," sabi ko.

"Basta tandaan mo, nandito lang kami lagi ni Rachel sa likod mo," sabi ni Maye at niyakap ako.

Kaya sa mga sumunod na araw, hindi kami nag-uusap ni Gio kahit magkasama kami sa klase. Nang minsan nakasalubong ko siya sa hallway, hindi niya ako pinansin at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad habang busy sa phone niya.

Araw ng Friday. Wala akong pasok n'on, iniisip kong gawin ang assignment ko sa English pero ni isang sentence wala akong mabuo. Tinext ko sila Maye kung anong oras ang uwe nila, maaga ang uwian nila pero may mga date sila ngayon.

Nagbo-browse lang ako sa Facebook ng tumawag si John sa phone ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi. Pwede ka bang yayain lumabas?" tanong niya.

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon