Chapter 1

708 15 0
                                    


Masarap pa ang pagkakahiga ko sa kama ng biglang may kumatok ng malakas sa pinto.

--KNOCK KNOCK--

"Hoy! Belle gumising ka na diyan!" sigaw ni Maye. Kaibigan ko "Iiwan talaga kita kapag natapos na ako magbihis. Ayoko malate!"

Napamulat ako ng dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa orasan at mag aalas-otso na. Bumangon ako at nagpunta sa C.R. para maligo. Habang nagsha-shampoo ako ng buhok napa-isip ako.

'First day palang ng pasukan bakit parang excited siya? Panigurado wala pa namang prof hehehehe!'

Tinapos ko na ang pagligo ko at nagbihis. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko na kumakain si Rachel sa kusina habang si Maye naman ay nagmamake-up.

"Kain." aya sa akin ni Rachel. Isa din sa mga kaibigan ko. Lumapit ako sa mesa at umupo sa tabi niya.

"Tignan mo 'tong babaeng 'to," sabi ko kay Rachel sabay turo kay Maye "Pinagmamadali ako tapos siya pala 'tong matagal," at tumingin ako kay Maye "'Wag ka na masyado mag make-up wala din naman magbabago sa itsura mo eh." nakangising sabi ko.

"Hahahahaha!" tawa namin ni Rachel "Oo nga kumain ka na din dito, kanina ka pa dyan sa salamin hindi mo pa din matapos tapos 'yang paglagay ng eye liner sa mata mo."

"Hindi kasi mapantay eh!" asar na sabi ni Maye at tumingin sa amin. Ang kapal na ng nailagay niya sa talukap ng mata niya. Mukha na siyang may black eye.

Napatakip naman ng bibig si Rachel para siguro hindi maibuga yung kinakain niya. At napakagat naman ako ng labi dahil ayoko siyang pagtawanan.

"Burahin mo nalang 'yan, ako na maglalagay sayo mamaya." natatawang sabi ni Rachel.

"Sa school ka pupunta at hindi sa party." pangaral ko naman sa kanya.

"Wow! Makapagsalita ka, tignan mo nga 'yang pisngi mo pumuputok sa blush-on."

"Okay lang ang blush on kesa naman 'yang katulad sayo." sabi ko at inambahan naman niya ako ng batok pero nakaiwas ako.

"Tama na 'yan baka mag-away pa kayo. Bilisan niyo na ayoko malate sa first subject ko, major 'yun" sabi ni Rachel at tumayo na para mag-ayos ng gamit niya.

Umupo naman si Maye sa inupuan ni Rachel kanina, at nagsimula na din kumain.

"Ganda niyan ah!" pang-aasar ko kay Maye.

"Magcommute ka papasok at pauwe, ah!" banta naman niya sa akin.

"Hehehe, binibiro ka lang eh." paglalambing ko sa kanya.

"Tse!"

Ganyan lang kami ni Maye pero mahal na mahal namin ang isa't-isa. Kaming tatlo para na kaming magkakapatid. Simula elementary palang magkakaibigan na kami hanggang ngayon college. Same kami ng course ni Maye at accounting naman si Rachel. Sa iisang school lang din ang pinapasukan namin. Irregular ang kinuha naming schedule ngayong second semester para may ilang subject na magka-classmate kaming tatlo.

Hinihintay ko nalang 'yung dalawa dahil inayos pa ni Rachel yung paglagay ng eye liner kay Maye "Bilisan niyo na diyan! Aba first day na first day eh!"

"Linya ko yan kanina ah," nakangising sabi ni Maye, natapos na din sila. "Mauna ka nalang pumasok kung gusto mo."

"Eh 'di naman ako marunong magdrive ng kotse."

"At sinong may sabi sayo na magda-drive ka ng kotse?" tanong ni Rachel "Bakit may kotse ka ba?"

"'Yung sa kanya," turo kay Maye

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon