Pagkalabas ko sa kwarto ay nakita ko sina Ana at Dylan na lumabas mula sa kwarto nila. Nang magtama ang mata namin ng aking kapatid ay nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Mabilis din nila akong nilagpasan.
"Good morning, Ana!" Masigla kong sagot
Nilingon niya ako "Good morning, Sunny!" Nakangiti niyang sagot sa akin
"Dylan" hinabol ko sila pababa sa hagdanan
Pero kahit na ilang ulit kong tawagin ang kanyang pangalan ay hindi niya ako pinapansin. Si Ana naman ay pilit kinukumbinsi si Dylan na kausapin ako. This is worse than I expected.
Kagabi, noong umuwi sila sa bahay ay akala ko ay sesermonan niya ako kaya hinanda ko na ang magkabilang tenga ko, ngunit wala akong narinig ni isang salita mula sa kanya. Masasamang tingin lang ang binigay niya sa akin. Hanggang ngayong umaga ay hindi pa rin niya ako kinakausap.
Dahil sa pagmamadali kong bumaba sa hagdanan ay hindi ko naapakan ang panghuling baitang kaya napasigaw ako. Buong akala ko ay mahuhulog ako sa sahig ngunit agad akong nasalo ni Dylan. Ang bilis ng pintig ng aking puso.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at galit na galit na tumingin sa aking mga mata.
"Hindi ka ba talaga marunong mag-ingat? Ha?!" Galit niyang sigaw sa akin humigpit pa ang pagkakahawak niya sa balikat ko
Napatungo ako dahil sa sobrang hiya. Mas gugustuhin ko pang pagsabihan niya ako kaysa sa hindi niya ako kausapin.
Maya-maya ay hinila niya ako at niyakap, naramdaman ko din ang paghalik niya sa aking buhok.
"Sorry" niyakap ko siya ng mahigpit "Sorry nasira ko 'yong sasakyan mo. Don't worry I'll buy you a new one"
He sighed and pushed me so he could look at me in the eyes "I'm not mad because of my car. I'm mad because you got into an accident again. Sunny, hell! I don't care about the car. I could buy a thousand cars, but I can't buy a thousand Sunny, no one can ever replace you. I love you so much and I don't know what to do if we'll lose you. Okay?"
I bit my lips and hugged him again, tighter this time. Parang may kung anong humaplos sa aking puso nang sinabi niya iyon. Sobra na talaga akong nakokonsensya sa tuwing nagagalit at nag-aalala sila sa akin.
"Mas importante ka kesa sa kahit na anong bagay dito sa mundo. So please, Sunny. I'm begging you, for us, especially for mommy. Please take care of yourself." He said while rubbing my back
"Okay" I whispered
"Okay?" marahan niya akong tinulak at nakataas ang isang kilay na tumingin sa akin "Di ba dapat ang sabihin mo, 'Promise, I won't do it again'"
Huminga ako ng malalim "Okay, promise" ngumiti ako
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Sinabihan niya kami ni Ana na mauna na sa dining room at susunod na lang daw siya pagkatapos nung phone call niya.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...