Chapter 19

6K 195 31
                                    


Chapter 19

Nasundan pa ang pagpunta ko sa bahay ni Thunder at ilang linggo na din na naging ganoon ang routine ko every day. Pagkatapos ng trabaho sa office ay sa bahay na niya muna kami pumupunta o di kaya ay kumakain kami sa labas bago niya ako ihatid sa bahay namin.

Wala namang sinasabi sila Daddy sa tuwing pumupunta ako at pag hindi ako nakakapagpaalam ay wala ng kaso iyon dahil alam na nila kung saan ako hahanapin.

"Next time naman ako ang magluluto" sabi ko sa kanya pagkatapos niyang ipark ang sasakyan sa harap ng mansion.

"Really?" tumaas ang isang kilay niya at ngumiti

Simula noong pumupunta ako sa bahay niya ay unti-unti na niyang binaba ang walls niya. Mas madalas na siyang ngumiti at mas magaan na ang loob namin sa isa't-isa. We've gotten more comfortable with each other.

I nodded my head "Manang Cita taught me how to cook pork sinigang the other day."

"Okay. We'll cook that next time" he smiled

"You want to come inside?" I offered "Have some coffee, tea, or dessert?" I asked because I didn't want our time to end yet.

I always feel dreary every time we have to say goodbye to each other. I know we're going to see each other again the next day, but I can't help not to feel sad after being with him for almost a whole day.

"No-"

"I baked a cake yesterday" I cut him

"Fine" he caved in

Pumasok kami sa loob at dumiretso sa dining room. Sabi ni Manang Cita ay nasa taas na sila Mommy at Daddy pati na din ang Lolo at Lola.

"Mauna ka na doon sa garden. Kukunin ko lang 'yong cake" sabi ko

Nauna na siya doon at ako naman ay nagtungo sa kusina para ipre-pare 'yong cake.

"Oh, Kararating mo lang?" tanong ni Aling Dory

"Opo" magalang kong sagot "May natira pa po ba doon sa ginawa kong cake kahapon?"

"Oo. Meron pa dito" binuksan ang ref at inilabas ang cake. Kalahati na lang iyon

Humiwa ako ng dalawang slice at nilagay sa dalawang platito. Nag timpla din ako ng kape para kay Thunder at tea naman para sa akin. Nilagay ko ang mga ito sa tray at nagtungo na sa garden kung saan siya naghihintay.

Nang makarating ako doon ay nakatalikod siya at may kausap sa phone. Maingat kong nilapag ang tray sa lamesa at umupo.

"Yes, Mom. I'll be home by Friday." tinatamad niyang sagot

Nasagot na din ang mga tanong ko noon. Mom? He said Mom. Ibig sabihin may pamilya pa siya at hindi siya ulila.

"Yes... Yes... Okay... Okay... Bye" patuloy ang tamad niyang pagsagot sa kausap

Nagulat siya nang pagkalingon niya ay nandito na ako.  Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti. Iminuwestra ko ang kamay ko na umupo na siya. Nagsimula na kaming kumain ng cake at kahit na gusto ko ng itanong sa kanya kung sino ang kausap niya sa phone ay pinalampas ko muna ang ilang minuto.

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon