Chapter 23
Hindi kami masyadong nakapag-usap ni Thunder kahapon dahil busy sila sa pagpre-prepare para sa birthday party ng kanyang Lola.
Ako naman ay lumabas kasama ng aking mga kaibigan. Kung saan-saan kami nakarating dahil umaga pa lang ay umalis na kami para mamasyal. Halos maikot na nga namin ang kalahati ng Ilocos Norte. Pumunta din kami sa mga lugar na pinuntahan namin ni Thunder noon.
Habang nasa daan kami ay naisipan nilang pumunta sa Claveria para doon naman mamasyal kaya umuwi muna kami sa kanya-kanya naming bahay para makakuha ng pamalit dahil balak nilang mag-overnight doon.
"Wala ba kayong nakalimutan?" tanong ni Skye habang papasok kami sa sasakyan.
Alas diyes na ng umaga at kailangan na naming umuwi dahil may pasok pa kami bukas. Kailangan naming umuwi ng maaga para hindi kami magmukhang sabog pag pasok namin bukas.
"Wala na" sagot namin.
Bago umalis ay dinouble check namin lahat ng mga gamit namin kaya sigurado kaming wala kaming nakalimutan.
- Paalis na kami. I miss you -
Panay ang kwentuhan habang nasa biyahe kami at nagbabalak kung saan ang susunod naming papasyalan.
"Huwag na tayong magplano. Mas masaya pag 'yong ganito. 'Yong biglaan at walang plano para mas exciting." ani Paul
"Oo nga. Gaya ng ginawa natin ngayon" ani Nika
"Kailan niyo gustong mag sleep over sa Paraiso?" tanong ko sa kanila
"Tignan na lang natin kung kailan." sagot naman ni Bianca
"What about next weekend?" Marga suggested
"Pwede din" sagot naman ni Nika
"Sige. Sa weekend!" pagsang-ayon ni Ken
"So, from friday evening hanggang Sunday afternoon? Are you guys down?" I asked
"Game!" sagot ni Skye
"Down na down!" hyper na sagot ni Carlo
"Pero nasabi mo na ba sa mga parents mo ang tungkol sa pagsleep over natin sa resort niyo, Sunny?" tanong ni Bianca
"Hindi pa. Tsaka na ako magpapaalam pag malapit na para di sila makakatanggi" ngumiti ako
Noon pa man ay palaging last minute ako nagpapaalam sa mga magulang ko para wala silang choice kundi ang payagan ako. Pag maaga kasi akong nagpapaalam ay nagkakaroon sila ng time na magdalawang isip, at least pag malapit na, mabilis na oo o hindi ang ibibigay nila sa akin.
Pasimple akong sumilip sa cellphone ko, pero wala pa din reply si Thunder. This is unsual. Madalas ay mabilis siyang magreply kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang reply. Kahit na thirty minutes na ang nakalipas bago ko replyan ang message niya ay ilang segundo lang ay may reply na siya sa akin. Oo, ganoon siya kabilis magreply.
Sana ay ngayon na siya umuwi. Tinanong ko siya kagabi pati na din kaninang umaga kung kailan siya uuwi, pero hindi naman niya sinasagot ang tanong ko.
Naging tahimik ang lahat dahil siguro ay nakaramdam na sila ng pagod. Madaling araw na din kasi noong natulog kami. Paano ba naman kasi ay wala silang kapaguran sa pamamasyal kahit gabi na pati na din ang pagkanta sa videoke.
Naisipan kong i-send kay Thunder 'yong mga solo pictures ko at pati na din group pictures namin. Sigurado naman akong nakapunta na siya dito, pero gusto ko lang magsend ng pictures para may pictures niya ako.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...