Chapter 3

8K 199 26
                                    

Nanunuot sa aking ilong ang kanyang mabangong amoy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nanunuot sa aking ilong ang kanyang mabangong amoy. Halos mapapikit ako dahil sa sobrang bango niya, pero pinigilan ko ang aking sarili. Parang gusto ko siyang yakapin at langhapin ang mabango niyang amoy.

Pilit kong sinasalubong ang kanyang mata na masamang nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay nalulunod ako sa kanya. Nakataas na naman ang isa niyang kilay. Bakit ba ang gwapo niya sa tuwing nakataas ang isa niyang kilay? Ang cool niyang tignan at napakasuplado din ng mukha niya pag ginagawa niya iyon.

"Sunshine?" Tumagilid ang ulo niya

His voice was hoarse. It sent shivers down my spine. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang nag-iinit ang aking pisngi.

"I'm asking you" Bumaba saglit ang kanyang mukha at pinantayan iyon ang mukha ko.

Ilang dangkal lang ang layo niya sa akin. Bumaba ang aking mata sa kanyang mapupulang labi. I can smell his minty breath.

"What are you doing here?"

Boses niya ang nagpagising sa akin mula sa kawalan. Napakurap ako, nawawala ako sa huwisyo pag nasa harap ko siya lalo na pag sobrang lapit niya sa akin.

"Well" I inhaled "This is my Dad's company, so I guess I can come here whenever I want to, right? Hindi naman siguro bawal?"

Napatayo siya ng tuwid at kumunot ang noo niya "Okay" walang gana niyang sagot

Tumingin ako sa wristwatch ko. Its already 11:30 malapit ng maglunch. Gusto ko siyang ayain para naman makabawi ako.

"Are you free?" I asked and smiled sweetly "Lunch tayo? Treat ko"

"I'm busy. Magpapabili na lang ako sa secretary ko ng pagkain" walang gana niyang sagot

Tatalikuran na sana niya ako ngunit mabilis kong hinuli ang kamay niya at hinila siya palabas ng building.

Habang hawak ko ang kamay niya ay parang may nararamdaman akong kakaibang sensasyong dumadaloy sa sistema ko. Hindi ko din maintindihan ang bilis ng pintig ng aking puso na para bang ang layo ng tinakbo ko. Nanlalamig din ang aking kamay habang nakahawak sa mainit niyang kamay.

"Where's your car?" Nang lingunin ko siya ay nahuli kong nakatingin siya sa magkahawak naming mga kamay mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko.

Tumikhim siya at seryoso akong tinignan "I told-"

"Please? I'm hungry. Samahan mo na ako. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ito baka maligaw pa ako" pagpapaawa ko

"Fine" pagsuko niya

Naging mas malawak pa ang aking ngiti nang pumayag siya ngunit agad din iyong napawi nang binitawan niya ang aking kamay at nilagpasan ako. Napabuntong hininga ako, nag-eenjoy pa akong hawakan 'yong kamay nya tapos binitawan na niya 'yong kamay ko.

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon