Chapter 29
"Oh! Hi, Thunder!" she bent down to give Thunder a cheek to cheek kiss "It's nice to see you here"
"Yeah" he smiled and nodded
"You guys are here for dinner?" she asked sweetly
Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng pekeng ngiti. I just gave her my sweetest smile. My parents didn't teach me to stoop down to her level.
"Do you mind if I join you guys?" she asked Thunder "Lucy just called and told me that she has an emergency to attend to. Paalis na nga sana ako, pero nakita ko kayo kaya nilapitan ko kayo."
"Yeah. Sure" Thunder answered
My brows shoot up when she asked if she can sit next to him. We were seating in a booth that's why Thunder had to get up, so Landa can sit next to him.
"Oh my gosh! Anong nangyari sa face mo? Bakit may mga pasa at sugat ka?" Nag-aalalang tanong niya
"Wala 'to" umiling siya "Mahabang istorya"
"Okay. Pero kailangan mo pa ring ikwento sa akin."
Biglang nag-iba ang mood ko nang ngumiti siya sa akin na parang nanalo siya sa isang kompetisyon na siya lang naman ang lumalaban. I don't have to compete simply because I don't have to. I don't have to compete with other girls just to win a man's heart. Dahil kung ako talaga ang mahal ng lalaking ito ay wala na dapat akong ikabahala dahil sa akin lang ang puso at atensyon niya kahit na mas better pa sa akin ang ibang mga babae.
But I have to admit I was a bit disappointed with Thunder. Ang sabi niya ay date ito, so kailan pa naging pang tatlong tao ang date? This is supposed to be our night, pero bakit hinayaan niyang makisawsaw ang Landa na ito? Pero wala na akong magagawa, pumayag na siya. Ang tanging magagawa ko lang ay pakisamahan si Landa.
Madaldal si Yolanda. Habang kumakain kami ay walang tigil siya sa kakakwento. Napag-alaman ko na isa pala siyang architect sa Singapore.
"Nakakapagod ang trabaho doon. Tapos malungkot pa pag-uwi ko sa condo. For sure alam mo 'yong feeling na walang sumasalubong sayo pag-uwi mo galing sa trabaho kasi pareho tayong walang kasama sa bahay." tumawa siya
Wala akong ganang kumain. Surprisingly, busog pa ako dahil sa kinain ko kanina kaya tinutusok ko na lang ang nasa plato ko habang nakikinig sa kanila. Naiinis ako kasi imbes na siya ang maging third wheel, ako naman ngayon itong parang kawawa na sabit lang sa date nila.
"You don't like your food, Sunshine? Do you want me to order something else?" he asked
"No" I answered monotone "I'm okay"
"Are you sure?" tanong naman ni Yolanda na parang nag-aalala kahit hindi naman
"Yes" I nodded without looking at her
Maya-maya pa ay bumalik sila sa pinagkwekwentuhan nila. They were laughing and finishing each other's sentences. I wanted to get up from my chair and walk out dahil pakiramdam ko ay naa-out of place na ako. Sila lang ang nakakarelate sa kung ano mang pinag-uusapan nila.
"Alam mo, Sunny. Hindi lang mabait at hardworking 'tong si Thunder. Guwapo pa! Kaya nga ang tawag namin sa kanyang lahat ay perfect complete package." Inakbayan niya at may kislap ang mga mata niyang tinignan si Thunder "I wonder when can I finally steal your heart? Ang tagal ko ng naghihintay ah."
Agad na tumingin sa akin si Thunder para siguro tignan ang reaksyon ko, but I kept an impassive face. I don't want Yolanda to see my reaction. Napupuno na ako sa kanya, pero ayokong ipakita na naaapektuhan ako.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...