"Saan mo ako ipapasyal?" Tanong ko kay Thunder.
Nakahawak pa rin ako sa braso niya. Ang sarap sa pakiramdam hindi ko tuloy napigilang pisilin.
Tumigil kami sa paglalakad at tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya. Kainis naman hindi pa ako kuntento. Gusto ko nakahawak lang ako sa braso niya, pakiramdam ko ay lumulutang ako sa langit kapag nakahawak ako sa kanya.
Every time I touch him, it feels like there are thousands of volts running to my system and I like the feeling it's giving me.
"Bakit ka ba nakahawak sa akin?" Masungit niyang tanong
Napasimangot ako at humawak ulit sa braso niya "Baka maligaw ako. Ang laki pa naman ng plantation mo"
Bigla siyang tumawa at sa oras na 'yon ay parang tumigil ang mundo ko. Na para bang ang tawa niya lang ang tanging naririnig ko.
"Nagbibiro ka ba? Hindi ka maliligaw dito" aniya at tinanggal muli ang kamay ko "Wala ka sa mall kaya hindi ka maliligaw"
Nauna siyang naglakad habang nakasunod lang ako sa kanya at hindi maipinta ang aking mukha. Bakit ba ayaw niyang magpahawak? Dahil ba magagalit ang girlfriend niya? Mas lalo akong nainis dahil sa pumapasok sa isipan ko.
"Bakit?" Humarang ako sa harap niya "Ayaw mong hawakan kita dahil baka magselos at magalit ang girlfriend mo?"
Kumunot ang noo niya "What are you talking about?"
"Si Vivian. Hindi ba ay girlfriend mo siya? Sabi niya girlfriend mo daw siya" sinubukan kong maging normal ang aking boses.
He smirked and shook his head "I don't have a girlfriend" pagkatapos ay nilagpasan ako
Naiwan akong napatulala. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang saya. Gusto kong magtatalon at sumigaw dahil sa sobrang saya. Wala siyang girlfriend, ibig sabihin may chance pa ako sa kanya. Napapikit ako ng madiin at tinakpan ang aking labi para pigilan ang mapatili.
"Ano? Di ka pa gagalaw diyan? Iiwan na kita" nagsusuplado na naman siya
Huminga muna ako ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili. Malaki ang aking ngiti habang tumatakbo para maabutan siya.
"Eh asawa?" Tumingala ako para tignan siya
Umiling siya "May nakita ka ba sa bahay?"
"Wala" sagot ko
"Nasagot mo na tanong mo"
Pumasok kami ni Thunder sa horse stable. Maraming kabayo doon at may tatlong lalaking nag-aasikaso sa mga kabayo.
"Magandang hapon po" bati nila sa amin
"Magandang hapon din po, Mang Chito" bati din ni Thunder "Maayos ba silang lahat ngayon?"
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...