Chapter 50

2.9K 120 10
                                    




Chapter 50

Sa isang linggong pananatili namin ni Thunder sa Cebu ay mas lalo akong naging malapit sa buong pamilya niya. Halos nalibot namin ang buong Cebu kasama ang mga pinsan niya. And I enjoyed it so much. Hindi pa ako sobrang nag-enjoy ng ganito sa isang outing. Lalo na kasi ang wild nilang lahat. No hold backs, they are all willing to do crazy things. 

"C'mon, Sunny! Let's dance!" hinila ako ni Frances papunta sa dancefloor. 

Uuwi na kami ni Thunder sa Ilocos bukas at pinili nilang mag bar para sa huling gabi namin dito. Habang sumasayaw kami ay nakita ko si Thunder na pinapanood lang kami. Ganyan siya palagi, pag kasama ko ang mga pinsan niya ay hindi niya ako pinipigilan sa mga ginagawa namin, pero nandiyan lang siya, nanonood. 

"Sana mas mahaba pa 'yong bakasyon niyo dito." Lumabi si Valerie "Bakit di na lang kayo dito tumira ni Thunder."

"Oo nga" pagsang-ayon naman ni Keira

"Hindi pwede!" natatawa kong sagot "Hindi ako papayagan ng parents ko."

"Mamimiss ka talaga namin" malungkot na sabi ni Mya

"Ako rin" parang maiiyak ako "Sobrang nag-enjoy akong kasama kayo. Tsaka, masyado na akong na-attach sa inyo pakiramdam ko ayaw ko ng umuwi."

"Wag na lang kasi kayong bumalik." pangungulit ni Audrei 

"Kung pwede lang sana" bumuntong hininga ako "Pero susubukan naming bumalik dito."

Unang araw ko pa lang silang nakilala ay in-add at finollow na nila ako sa social media, kinuha rin nila ang number ko para raw pwede nila akong kausapin at para hindi namin masyadong mamiss ang isa't-isa. 

Tinigil namin ang pagdra-drama sa gitna ng dancefloor at muli kaming sumayaw. Kumuha pa si Rae ng mga maiinom at binigyan kaming lahat. 

"Cheers!" we said at the same time and bumped our glasses 

"Oh! I have an idea!" I said, excitedly 

"What is it?" they asked 

"Next time, kayo naman ang bumisita sa Ilocos. May resort din kami doon." saad ko "Pwede kayong mag-stay doon for free!."

Ang mga magulang ni Frances at Noah na sina Tita Astrid at Tito Steve ang may-ari ng isa sa pinakamagandang resort dito sa Cebu. 

"For free?" gulat na tanong ni Valerie "Ang dami namin, Sunny. Nakakahiya naman kung magi-stay kami doon for free. Magbabayad na lang kami."

"No, it's okay." I insisted "I'm sure my parents won't let you pay. Kaya ngayon sinasabi ko na sa inyo na huwag kayong mahiya. Parang pamilya na tayo, di ba?"

"Okay" they finally gave in 

"Pero sure talaga ha?" Si Savannah

"We can stay at Thunder's house. Sabi nila Keira malaki raw ang bahay ni Thunder doon." sabi ni Rae

"Oo. Malaki ang bahay niya, pero gusto ko namang bumawi sa pagwelcome niyo sa akin sa pamilya niyo." sagot ko. 

"You don't have to" Keira said "Dapat lang na tratuhin ka naming pamilya kasi sooner or later magiging sister-in-law kita. Tsaka masaya si Kuya Thunder sayo, we're not going to take that away from him."

"Nakita rin kasi namin kung ano talaga ang nagustuhan sayo ni Kuya Thunder" saad ni Evie "Sa mga panahong nakasama ka namin, nakita namin kung gaano ka kasaya kasama at kung gaano ka kabait."

"Aww. You're gonna make me cry" I fanned my face "Thank you so much. I'm going to miss you all."

Pagkatapos naming maglunch ay hinatid na nila kami sa airport. Habang nagpapaalam kasi sa isa't-isa ay kumikirot ang dibdib ko dahil sa lungkot. Kahit isang linggo ko lang silang nakasama ay sobra na akong napamahal sa kanila. Parang ayoko na tuloy umuwi sa amin. 

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon