Chapter 20
Biglang nag-ring ang cellphone niya. Medyo lumayo siya ng kaunti sa akin para makuha niya iyon mula sa bulsa ng pantalon niya.
Napakunot ang noo niya ng makita kung sino ang caller "What?" naiinis niyang sagot
"What?!" tanong niya ulit mas lalong kumunot ang noo niya "Unsay imong gibuhat dinhi?"
Ako naman ang napakunot ng noo dahil hindi ko naintindihan kung ano ang sinabi niya sa kausap.
"Nakakuha na ako ng connecting flight from here to Manila and from Manila to Cebu. Hindi niyo na ako kailangang sunduin" masungit niyang sabi sa kausap
"Okay... Okay" umirap siya
"Everything okay?" I asked after he put his phone back in his pocket
He nodded "Nasa bahay ngayon ang mga pinsan ko" bumuntong hininga siya
"Really?!" naexcite kong tanong
"Yeah" nakakunot ang noong tinignan niya ako "Let's go. I'll drop you off to your house."
"Ha? But I want to meet your cousins"
"Ihahatid na kita. Gabi na" sagot niya na hindi ako tinapunan ng tingin
Nauna na siyang naglakad. Mabilis ang mga hakbang ko para maabutan siya.
"Okay lang. Ikaw naman ang kasama ko. I'm sure Dad won't mind if I go home a little bit late."
"Bakit ba gusto mo silang mameet?" iritado nyang tanong
"Gusto ko para may meet din ako na iba mo pang relatives" nagkibit balikat ako
Pinagbuksan niya ako ng pintuan ngunit hindi niya ito isinara. He even rolled his eyes at me.
"Bakit ka naiinis?" Tanong ko "I just want to meet them"
"I don't want you to meet them" he said in monotone
"And why is that?"
"Kasi mga pinsang kong lalaki ang mga nandoon" tumaas ng kaunti ang boses niya
"So what? Nagiging unreasonable ka na naman" I crossed my arms over my chest
"I'm not being unreasonable" he calmly said
Naging tahimik kaming dalawa habang nasa biyahe papunta sa bahay namin. Nakakainis kasi siya. What's wrong if I want to meet his cousins? Ano ngayon kung mga lalaki sila? Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang aking isipan. O baka, siguro, big deal sa kanya ang magpakilala ng isang babae sa pamilya niya. Tama, siguro ganoon 'yon. I just have to try to understand his part.
"Good night" he said in a low voice after he parked his car
"Good night" I forced a smile
"Just a good night? I won't get anything else?" his eyes flashed with humor
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...