Chapter 15"YOU'RE going back to school next week, Sunny" Dad said while reading the newspaper "You ready?"
"Of course, Dad" I said while putting butter on my toasted bread "I'm excited!"
For sure I'm going to miss my friends, but this is my new life now and I have to embrace it. Hindi naman ako nagrereklamo dahil gusto ko din naman kung ano ang pagbabagong nangyayari ngayon sa buhay ko.
"Really?" Nagtaas ng isang kilay si Dylan "Or you're probably scared?"
"Of course not" simangot ko
"Baka gusto mo bigyan ka namin ng yaya na sasama sayo sa classroom mo" he snickered
"Excuse me!" I rolled my eyes at him "I can take care of myself!"
Tinampal ni Ana ang braso niya "Ang aga-aga inaasar mo 'yang kapatid mo."
Hinalikan niya lang sa pisngi si Ana.
Noong isang araw ay inilibot ako ni Marvin sa Mariano Alfaro State University o MASU. Pagmamay-ari nila ang university na iyon. Malaki ang university at bago ang lahat ng kagamitan nila. Lahat ng classroom ay may air condition. Hindi lang 'yon, napansin ko din ang kalinisan sa buong paligid maging ang mga hallways ay wala kang makikitang kalat. They really maintained the cleanliness of the university.
"What about my job, Dad? Paano na 'yon?" tanong ko
"It's up to you" he answered "If you want to keep your job, then keep it. But if you can't, you can resign anytime. Ako na ang bahala sa utang mo kay Thunder."
"Okay" I smiled
"MANANG ano pong ginagawa niyo?" umupo ako sa tabi ni Manang Cita
"Gumagawa ng turon" aniya
"Aah" tumango-tango ako "Pwede pong tumulong?"
"Sige. Heto" naglagay siya ng plato sa harapan ko at binigyan ako ng spring roll wrapper.
She thoroughly explained to me what to do. Nakalimang subok siguro ako bago ko naperfect ang pagwra-wrap. Noong una ay medyo loose kasi ang pagkakagawa ko. Naisipan kong gawan din sila Thunder at ang mga kasamahan niya sa plantation. Si Manang Cita ang nagluto dahil hindi ako marunong magprito. Sinubukan ko naman, pero natatalsikan kasi ako ng mantika kaya sabi sa akin ni Manang Cita na manood na lang daw ako.
Nilagay ni Manang Cita ang mga turon sa bilao na may dahon ng saging.
"O, pwede na 'to" aniya "Iba na talaga ang mga kabataan ngayon 'no? Babae na ang nanliligaw"
"Hindi naman po ako nanliligaw. Nakikipagkaibigan lang po" lumabi ako
"Nakikipagkaibigan o nakikipaglandian?" pumawewang siya at tinaasan ako ng kilay
"Ikaw talaga Manang malisyosa" bahagya akong tumawa at nagpaalam na
Palabas na sana ako ng bahay nang makasalubong ko si Daddy.
"Where are you going, Sunny?" his eyes lowered down to the bilao that I'm holding
"I'm gonna go to Thunder's plantation to give them this" I lifted the bilao "Manang and I made turons!"
"Okay. C'mon I'll drop you off" he offered
"Dad, when can I drive again?" I asked while we were walking towards the car
Na mi-miss ko na ang magdrive. Matagal na kasi noong huli akong nagmaneho. Palagi na lang akong hinahatid at sinusundo. Hindi ko na napupuntahan ang mga gusto kong puntahan dahil kailangan ko pang magpaalam. Hindi gaya noon na malaya akong lumabas kahit kailan ko gusto.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...