Chapter 51

2.6K 124 15
                                    


A/N: Sorry sa medyo matagal na pag-update may pasok na kasi ulit ako kaya hindi na ako nakakapag daily update. I'll still try to update until the last chapter. Hang on tight malapit na tayo doon :)

Chapter 51

Nang pabalik na kami sa Pilipinas ay sinadya kong hindi sagutin ang mga tawag ni Thunder. Sinabihan ko rin si Ana na huwag niyang sagutin ang tawag ni Thunder kung sakaling tumawag siya sa kanila.

Ang sabi ko sa kanya ay sa susunod na araw pa ang balik namin sa Pilipinas, pero ang totoo ay ngayong araw na ito kami uuwi. Kahapon ko pa hindi sinasagot ang mga tawag at texts niya. I bet he's freaking out right now. Natatawa na lang ako pag naiimagine ko kung ano ang itsura niya.

Gabi na nang makarating kami sa bahay. Pagkahiga ko sa aking kama ay agad akong nakatulog.

Maaga akong nagising at hindi na ulit ako nakatulog. Nagdesisyon akong bumaba na lang para tignan kung ano ang niluluto nila Manang Cita.

Tumulong ako sa pagluluto at nagpre-prepare sa dining room. Sabay-sabay kaming kumain at nang matapos ay nagpaalam ako kila Mommy na pupunta sa plantation ni Thunder.

Hindi ako dumiretso sa bahay niya dahil alam ko na sa mga ganitong oras ay nasa plantation na siya kaya doon ako dumiretso.

"Ayusin niyo nga ang mga 'yan!" narinig ko ang sigaw niya sa di kalayuan

Binilisan ko ang paglalakad. Nakita ko siyang nakatalikod at pinapagalitan ang ilang mga trabahador niya. I tried to snuck behind him. Sinenyasan ko ang mga nakakita sa akin na huwag silang mag-ingay. Nakatingin sila ng diretso kay Thunder at pinapakinggang mabuti ang mga sinasabi niya.

Napangiti ako nang hindi niya ako napansin na tumayo sa likuran niya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Kahit na pawisan siya ay wala sa akin 'yon dahil miss na miss ko na siya.

Nakakunot ang noong lumingon siya sa akin at agad na tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa bewang niya. Nagsimula siyang maglakad palayo.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanila

"Hindi po namin alam. Kahapon pa po mainit ang ulo niya." sagot ni Domeng

Bigla akong naguilty. Pakiramdam ko ay dahil 'yon sa hindi ko pagsagot ng mga tawag at texts niya. Nagi-guilty tuloy ako dahil sila pa ang napagbuntungan ni Thunder ng galit.

Agad kong sinundan si Thunder. Nakita ko siyang naglalakad papunta sa bahay niya. Tinawag ko ang pangalan niya, pero hindi naman siya lumilingon.

Pagkadating ko nga sa bahay niya ay nakalock ang pintuan ng bahay buti na lang dala ko ang binigay niyang susi.

"Thunder, I'm sorry" malambing kong sabi

Pumunta ako sa kusina para tignan kung nandoon siya. Umiinom siya ng tubig at masamang tumingin sa akin.

"Sorry" lumabi ako

"Don't look at me that way!" he said, pissed "I'm mad at you"

"Sorry na nga, di ba?" nagpaawa ako "Gusto lang naman kitang surpresahin eh."

"Wala kang ideya kung gaano ako nag-alala sayo. I was restless because I was so worried about you. Hindi ko alam kung ano nangyari sayo o kung may nagawa ba ako kaya hindi mo ako sinasagot." naiinis niyang saad

Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap "I'm sorry. I just really wanted to surprise you. Huwag na tayong mag-away please? Miss na miss na kita eh"

Pilit niya akong iniiwasang tignan sa mata. I know any second by now, he's going to give in.

"Tigilan mo nga ako diyan sa pagpapacute mo" suplado niyang sabi

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon