Sinamahan ko sina Lola at Lola Esme sa grocery store at pagkatapos ay pumunta kami sa isang orphanage. Marami silang biniling pagkain at laruan para sa mga bata. Ang sabi nila Lola ay ang mga batang ito ay dating nakatira sa lansangan o di kaya naman ay mga sanggol na tinapon o iniwan sa kung saan-saan.
Nasa gate pa lang kami ay nagsitakbuhan na ang mga bata patungo sa amin at niyakap sila Lola. They were so appreciative. Nang binigyan sila nila Lola ng biscuits at juice ay sobrang saya na nila, hindi sila naghanap ng iba pang makakain. Ang totoo ay nag grocery sila Lola at mas marami ang binili nilang malulutong pagkain kesa sa junk food sabi nila ay mas masustansya daw ang mga lutong bahay na pagkain.
Nagperform ang mga bata. Ang iba ay kumanta, ang iba naman ay sumayaw. Napakabibo nilang lahat, pero may mga iba din na mahiyain.
Nang mag-alas kwatro na ay umuwi na kami. Ayaw pa nga ng mga bata na umuwi kami ngunit nangako sila Lola na babalik ulit kami.
Nakatanaw lang ako sa bintana at pinapanood ang mga nalalagpasan naming mga tanawin. Looking at those kids made me realize the importance of life and family. Hindi ko ipagkakaila na naaawa ako sa kanila lalo na 'yong mga sanggol. They should be with their parents because that's what they need. Pero kung walang kwenta at abusive naman ang mga ito, siguro nga mas magandang manatili na lang sila sa orphanage.
Growing up, I was filled with love. I've lived in a household where there are loving parents and siblings. They've always protected me from any harm. It always felt like I was under their wings. They would rather have a broken wing than to see me hurt.
Kaya naman parang nadudurog ang puso ko para sa mga batang iyon dahil kahit kailan ay hindi nila mararanasan ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Ang magkaroon ng magulang na magmamahal at maggagabay sa kanila.
"Hija, are you okay?" Pinisil ni Lola ang aking kamay
Nilingon ko siya at ngumiti "Yes, Lola"
"By the way" ani Lola Esme "Sa bahay na kayo magdinner. I'll cook Paella"
"Sige. Tutulong na din ako" boluntaryo ni Lola "Sunny will make the dessert. Is that okay with you, Sunny?"
"Sure" I smiled
Nang makarating kami sa mansyon ng mga Salvatore ay dumiretso kami sa kusina. Hinanda namin lahat ng mga kakailanganin. Hindi pinayagan ni Lola Esme ang kanyang mga cook na magluto ngayon dahil ang sabi niya ay sila daw ni Lola ang bahala ngayon sa kusina.
Ang mga kasambahay ay naghiwa lang ng mga rekados at inihanda ang mga kakailanganing gamit. Nandoon lang sila para mag-assist.
"Ma'am ano pong maitutulong ko?" Tanong ng isang kasambahay
"Hija, hayaan mo na siya" ani Lola "Ayaw niya ng pinapakialaman siya pag nagbe bake"
"Ay, pasensya na po" hingi niya ng dispensa
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...