Halos nagtaasan lahat ng mga buhok ko sa katawan. Ramdam ko ang panghihina ng aking tuhod dahil sa malalalim niyang mga mata. It's almost unreadable, no emotions at all. Damn! The way he looks at me? It was like he could see right through my soul.
"Una, binangga mo ang sasakyan ko. Tapos ngayon naman trespassing" Tumagilid ang ulo niya
"Excuse me" napangiti ako "Una, hindi ko naman sinasadya. Pangalawa, si Manang Fe ang nagpapasok sa akin, malay ko ba na bawal pala"
Napailing siya "Anong ginagawa mo dito?"
"Tinagalog mo lang eh!" Umirap ako at ngumiti "Bakit ba yan palagi ang tinatanong mo sa akin?"
Nagkibit balikat siya.
Napabuntong hininga ako "Sabi ni Lolo Roberto maganda daw itong plantation mo. Tsaka hindi ba ay plano mong gawing resort ito? Pwede mo ba akong samahang mamasyal dito sa plantation mo?" Sunod-sunod kong tanong
"Sinong nagsabing pwede kang pumunta dito? Hindi tourist spot ang plantation ko at mas lalong hindi ako tourist guide. Mabuti pa ay umuwi ka na lang" sagot niya
"Tell me Thunder, may galit ka ba sa akin. Nag sorry na nga ako, di ba? Hindi pa ba tayo okay?"
Minsan naiisip ko kung hindi ba ako kagusto-gusto o di kaya ay may nakikita ba siya sa aking hindi maganda kaya ganito na lang kung itaboy niya ako.
Kumunot ang noo niya "Hindi iyon"
"Eh ano?"
"Tss" Tumalikod siya at nagsimulang umakyat
Mabilis akong naglakad papunta sa hagdanan.
"Hanggang diyan ka lang" sabi niya na hindi lumilingon "Bawal kang pumasok sa bahay ko at mas lalong bawal kang pumunta sa taas"
Ibinaba ko ang isa kong paa na nakaapak sa unang baitang "Sige. Sa salas na lang kita hihintayin"
"Umuwi ka na!" Ungol niya
"Ayaw!" Determinado kong sagot "Hihintayin kita dito."
Handa ko naman siyang hintayin kahit gaano pa katagal.
Matiyaga kong hinintay si Thunder. Nireplyan ko na din ang mga texts ng mga kaibigan ko. Pinakialaman ko din ang TV niya dahil nababagot ako, ngunit agad ko din iyong pinatay dahil walang magandang palabas.
Naglakad ako patungo sa grand piano at umupo sa harap nito. I wonder if Thunder knows how to play. I pressed a couple of keys before playing La Vie en Rose. Ito kasi ang una kong na master na tugtugin kaya ito ang paborito ko.
"C'est lui pour moi, moi pour lui dans la vie
Il me l'a dit, l'a juré pour la vie"
Napindot ko ang maling key dahil sa isang pamilyar na pagtikhim. Napalingon agad ako sa pinanggalingan nito at nakita ko si Thunder sa paanan ng hagdanan.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...