Chapter 14

7.1K 203 76
                                    


Chapter 14

"THUNDER, daan tayo saglit sa grocery store"

"Bakit?" Nilingon niya ako sandali at binalik din agad ang atensyon sa daan

"Gusto kong bisitahin 'yong anak ni Mang Cardo." Sagot ko

Pinark niya ang sasakyan sa harapan ng isang grocery store pagkatapos ay dumiretso kami sa fruits section. Dinala namin ang mga prutas sa cashier at siya ang nagbalot nito sa isang basket.

Pagkatapos ay nagtungo agad kami ni Thunder sa hospital na sinabi ni Mang Cardo. Malaki ang hospital at maraming sasakyan sa parking lot. Agad naming tinanong kung saan ang kwarto nung anak ni Mang Cardo. Laking gulat ko na kilala pala ni Thunder ang bata.

Nasa first floor ang nasabing kwarto. Pagkapasok namin sa kwarto ay nadatnan namin na dalawa silang pasyente doon sa loob.

"Ma'am Sunny, Sir Thunder, anong ginagawa niyo dito?" Tumayo si Mang Cardo mula sa pagkakaupo.

"Bumili po kami ng prutas para sa... mga anak niyo?" Pabalik balik ang tingin ko sa dalawang bata

"Hindi po Ma'am Sunny. Minabuti na lang po namin na kumuha ng kwarto na may kahati para hindi gaanong malaki ang babayaran namin." Sagot niya

"Baka naman po magkahawaan sila?" Tanong ko

"Di naman po kasi namin kayang bayaran ang private room" nahihiya niyang sagot

Napatango na lang ako

"Hello po, Kuya Thunder" nanghihinang bati nung batang babae

"Kamusta ang pakiramdam mo, Ally?" Tanong ni Thunder

"Okay lang po" mahina niyang sagot

"Kumain ka nitong prutas na binili ni Ate Sunny para gumaling ka agad" aniya sa bata

Tumingin naman ito sa akin at pinilit na ngumiti "Maraming salamat po."

"You're welcome" nginitian ko siya

"Sir Thunder?" Napalingon kami sa babaeng kakapasok lang "Ano pong ginagawa niyo dito?"

"Allison, si Ma'am Sunny, ang apo ni Don Gabriel. Ma'am Sunny, asawa ko po" pagpapakilala ni Mang Cardo sa amin.

"Magandang gabi po Ma'am" ngumiti sa akin si Aling Allison

"Magandang gabi din" ngumiti ako "Di na po kami magtatagal. Uuwi na kami" paalam ko sa kanila

"Maraming salamat po sa pagbisita at prutas" ani Mang Cardo

Nginitian ko lang siya at niyaya si Thunder na umuwi na. Nag-offer si Mang Cardo na ihatid na kami sa labas, pero tumanggi ako dahil alam kong mas kailangan siya ng anak niya ngayon.

Sakton pababa kami sa hagdan ay nakasalubong namin ang Tita Divine ko, isang pediatrician.

"Sunny, what are you doing here?" Nakipagbeso siya sa akin

"Dinalaw lang po namin 'yong anak ni Mang Cardo" sagot ko

"I see. Pupunta nga ako doon ngayon para I-check siya" aniya

"Tita, can you transfer the child to a private room? Baka mas lalong matagalan gumaling ang bata pag may kasama siyang iba sa kwarto" pakiusap ko

"They told me they can't afford it. Ito nga at ibibigay ko sa kanila itong waiver form para bumaba ang kanilang bill" pinakita niya ang hawak niyang folder

"Ako na pong bahala, Tita Divine" ani Thunder

"Sige, ipapatransfer ko din sila ngayon. Sige, mauna na ako" aniya

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon