Chapter 38
Pagkatapos ng klase ko ay nakatanggap ako ng message galing kay Jessica.
Jess:
Di ka man lang nagsabi na nagresign ka na pala. Di ka namin tuloy nabigyan ng despedida.
Ako:
Medyo nahirapan kasi ako sa pagmanage sa schoolwork at trabaho ko. Sorry kung di ako nagpaalam.
Jess:
Okay lang. Pinapatanong nila Kim at Ronnie kung gusto mo raw sumama sa amin. Kain lang tapos gala. Ano? Game ka?
Ako:
Sige. Give me the address. Sunod na lang ako mamaya.
Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay nag-uusap naman ang mga kaibigan ko tungkol sa gagawing mga group projects para sa dalawang klase namin. Ang isa ay presentation at ang isa naman ay research paper. Sakto ang bilang namin dahil apat na estudyante dapat sa isang project.
"Gusto niyo bang mag-sleepover samin?" tanong ni Marga "Doon na lang natin gawin 'yong projects natin over the weekend"
"Sige!" sagot nilang lahat
"Ikaw, Sunny?" Tanong sa akin ni Marga
"Yeah. I'm down." tumango ako "Pero kailangan muna nating mgapaalam, hindi ba?"
"Oo, pero sigurado naman akong papayagan ako dahil kila Marga tayo." ani Nika
"Ako rin." sagot ng iba
Napagkasunduan naming lahat na bukas ng umaga na lang kami pupunta sa bahay nila Marga para makapagpaalam kami sa mga parents namin lalo na at biglaan ang plano namin.
Sa totoo lang ay binigay sa amin itong projects na 'to bago pa ang midterm namin, pero dahil nagprocrastinate kami at naging busy sa pagrereview para sa aming midterm ay hindi namin ito nagawa ng maaga. Due next week 'tong mga projects na 'to at kailangan naming matapos agad.
Hindi sila gumala ngayon kaya nagkanya-kanya na kami pagkalabas sa school. Umuwi na muna ako para maligo at makapagpalit.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at pumunta sa living room para magpaalam kila Mommy at Daddy.
Napangiti ako nang makita ko silang dalawa na nakaupo sa couch habang nanonood. Dad has his arms wrapped around Mom's body while she was leaning on Dad's chest. I wish my relationship with my future husband is going to be like this. Sana ganito kami hanggang sa pagtanda namin.
"Hi, Mom!" I greeted her to get their attention
They both looked at me. "Hi, Dad" I gave them both a kiss on the cheek
"Bihis na bihis ka yata." komento ni Daddy
"I'm just gonna go out with my colleagues. 'Yong mga naging kaibigan ko sa office." paalam ko
"Okay" he nodded "Mag-iingat ka ha."
"Yes, Dad. I will." I smiled "And also my friends are planning to have a sleepover at Marga's house 'coz we have a project to finish and its due next week."
Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Mommy "You sure you want to go there? Why don't you ask them to have a sleepover here instead?"
"Why?" napakunot ng noo si Daddy "Okay lang naman na pumunta siya doon. She's going to stay at the Salvatore's. I'm sure they will watch her for us. Hindi naman nila pababayaan si Sunny."
"No, it's just..."
"It's okay, Mom" I gave her a reassuring smile "I'll be fine"
"Okay, if you say so." tumayo siya at hinawakan ako sa bewang "Ihahatid kita sa pintuan."
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...