Chapter 39Alas otso pa lang ay nakabihis na ako. Nasa sala na ako at naghihintay sa aking sundo. Ang aga niyang tumawag! Alas siyete pa lang ay sinabihan na ako ni Marga na gumising at maghanda na.
Aniya ay para raw marami kaming matapos at para na rin maipasyal niya ako sa hacienda nila. Gising na ang mga kasambahay at naglilinis na sila sa buong bahay. Sila Manang ay nagluluto ng breakfast.
Biglang nagring ang cellphone ko at nakita ko sa screen na si Marga ang caller ID kaya agad ko itong sinagot.
"Hello!"
"Good morning, Sunny! Nandito na kami sa labas" masigla niyang sabi
"Okay!"
Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas ng bahay. Nakita kong nakabukas ang pintuan ng kanilang van at nandoon na lahat ng mga kaibigan namin.
Sinalubong ako ni Skye at kinuha mula sa akin ang mga bitbit ko. Habang nasa biyahe papunta kila Marga ay pinag-usapan na namin kung ano ang gagawin sa mga projects namin.
Pagdating sa bahay nila Marga ay sinalubong kami ni Lola Esmeralda.
"Good morning mga hija, hijo"
"Good morning po, Lola" bati naming lahat sa kanya at nakipagbeso sa kanya
"Hali na kayo. Kanina pa nakahanda ang pagkain."
Sumunod kaming lahat sa kanya papunta sa kusina at tama nga siya, nakahanda na lahat ng pagkain. Kung ano-ano ang mga ito. May mga filipino breakfast at meron din mga pancakes, bacon, scrambled egg, hash brown. Ganito ba talaga maghanda ng pagkain ang mga Lola tuwing may mga bisita? Parang may fiesta.
Kami lang ang kumain dahil kumain na raw sila Lola Esme at ang mga kapatid naman ni Marga ay natutulog pa.
"Ang sarap talagang magluto ni Manang Fe" komento ni Nika
"Lalo na si Lola Esme. You should try her paella, Sunny" dagdag ni Bianca
"Oh, I have" I smiled "My Lola and I had dinner here once."
"Talaga?!" tanong ni Marga "Bakit hindi kita nakita?"
"During vacation 'yon. Pumunta yata kayo sa Barcelona kaya hindi tayo nagkita noong pumunta ako dito."
"Oh" tumango-tango siya "That explains"
Pagkatapos naming kumain ay iniakyat na muna namin ang mga gamit namin sa kwartong gagamitin. Ang kwartong gagamitin namin ay para raw talaga sa mga ganitong okasyon. Malaki ang kwarto at may sarili itong banyo. May dalawang malalaking kama sa gitna at may isang pahabang sofa sa tabi ng bintana. Sinilip din namin ang kuwarto ng mga boys at kagaya lang ito ng kuwarto namin.
Pagkatapos naming maayos ang mga gamit namin ay nagtungo kami sa lani upang doon gawin ang mga projects namin.
Una naming ginawa ang presentation. Kinailangan naming magbrainstorm at magsuggest ng iba't-ibang ideas, pero madali lang ito dahil powerpoint lang naman. Ayaw ng professor namin ng maraming sentences. Ang gusto niyang ipagawa ay mga bulletpoints pagkatapos ay ie-explain namin ang mga ito.
Minsan ay nagpapahinga kami para hindi kami masyadong mapagod sa kakaisip at kung hindi pa kami tinawag ni Lola Esme ay nakalimutan na naming kumain ng lunch.
Kinailangan din naming magsulat sa mga index card para hindi namin kailangang i-memorize ang mga explanations ng ilalagay naming information sa mga slides sa powerpoint. Nagpractice pa kami kung paano namin ipre-present ang ginawa naming powerpoint.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...