Chapter 46"Marga, I'm sorry about what happened yesterday." I said sincerely
"Why are you apologizing?" she gave me a small smile "It wasn't your fault. Actually, I should be the one to apologize for what my brother did."
I sighed in relief "Let's just forget about it. I just hope it didn't affect our friendship?"
She shook her head "No. Not at all. Again, I'm so sorry for what he did to you."
Tumango lang ako at ngumiti. I was really hoping that after what happened, nothing's going to change between the two of us. Marga is a good friend and I don't want to lose her. Ayoko rin kasi na maipit ang mga kaibigan namin sa mga nangyari kahapon kaya kahit anong mangyari ay gusto kong maging maayos kami ni Marga.
"Pero kayo na ni Thunder?" sumabat sa usapan si Nika
Hindi ko napigilan ang mapangiti "Oo"
"Aah!" tumili siya kaya agad kong pinalo ng mahina ang kanyang braso
"Tama nga 'yong hinala natin" saad ni Bianca kay Nika "Noon pa lang pumunta tayo sa plantation ni Thunder may naramdaman na talaga kaming kakaiba sa inyong dalawa"
"Kelan pa?" excited niyang tanong
"Noong umalis kami ng maaga sa bahay nila Marga may pinuntahan kami tapos doon niya ako tinanong kung gusto kong maging girlfriend niya" kwento ko sa kanila
Kinikilig na niyugyog ni Nika si Bianca "Ang sweet! Kailan kaya tayo magkakaroon ng Thunder?"
Natahimik ang lahat nang pumasok si Mrs. Castillo. Nakaconcentrate lang ako habang nakikinig sa kanya. Buong araw ay masaya kaming lahat at ramdam ko na wala namang nagbago sa amin ni Marga. Pero napansin ko si Skye na tahimik at ni hindi man lang ngumingiti. Napakaseryoso niya habang nagbabasa ng libro.
"Hey, genius!" tumabi ako sa kanya.
Nasa baseball field kami ngayon, sa tambayan namin.
"Hey" he said coldly without looking at me
"May problema ba? Bakit parang masyado kang tahimik?" Tanong ko
Tumikhim-tikhim sila Ken at Carlo. May nangyari ba na hindi ko alam?
"Don't mind me" walang gana niyang sagot "Lilipas din 'to."
"Ang alin?" nalilito kong tanong
"'Tong nararamdaman ko para sayo" tinignan niya ako sa mga mata.
Kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Anong nararamdaman para sa akin? Akala ko ba magkakaibigan kaming lahat. 'Yon naman ang sabi niya sakin noon.
"Gusto kita, Sunny, pero nirerespeto kita at ang boyfriend mo. Kung masaya ka sa kanya, nirerespeto ko 'yon dahil mahal kita. Kasi ganoon naman pag mahal mo ang isang tao, di ba? Kahit masakit, hahayaan mo siya kung saan siya masaya." Tumayo siya
"Skye" malungkot kong tinawag ang kanyang pangalan ngunit hindi niya ako tinapunan ng tingin. Kinuha niya ang mga gamit niya at nagsimulang maglakad.
"Hayaan mo muna siya, Sunny" ani Nika "Alam din namin na may gusto siya sayo kaso palagi niyang dinedeny dahil ayaw niyang lumayo ka."
"Ayaw niyang umamin sayo dahil baka raw layuan mo siya at magbago ang tingin mo kung sakali mang hindi kayo pareho ng nararamdaman." paliwanag ni Marga "He didn't want to ruin the friendship that you two have."
Napabuntong hininga ako dahil sa lungkot na nararamdaman. Ano bang ginagawa ko at nagkakagusto ang mga kaibigan kong lalaki sa akin? Hindi naman ako nagpapakita ng motibo sa kanila na may gusto ako sa kanila. Wala naman akong ginagawa para magustuhan nila ako.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...