Chapter 31Pagkatapos naming magbreakfast ay nagpaalam na kami kila Daddy na pupunta kami sa Paraiso.
May sumalubong sa amin na dalawang staff ng aming resort at dinala kami sa aming cabin na nasa seaside. Mas gusto kasi ng mga kaibigan ko sa seaside kaysa sa mountain side.
Magkahiwalay ang mga cabin naming mga girls sa mga boys. Dalawa ang kwarto ng mga cabins na iprenipair nila para sa amin. Kami ni Marga ang magkashare sa isang kwarto at si Bianca at Nika naman sa kabila.
Pagkatapos naming maayos ang mga gamit namin ay nagpalit kami ng pangswimming. Nagsuot ako ng knitted cream two-piece bikini at high waisted denim ripped shorts. I put my hair in a messy bun and put my Ray-Ban on my hair.
"Sexy!" ani Marga ng pumasok siya dito sa kwarto namin
Ngumiti lang ako "Ikaw din naman ah" sagot ko
Itim na two-piece ang suot niya at gaya ng saakin ay may suot din siyang shorts. Bago kami lumabas sa aming kuwarto ay naglagay muna kami ng sunscreen.
Nakaupo sina Bianca at Nika sa couch. Pareho silang busy sa kani-kanilang cellphone. Si Nika ay highwaisted floral bikini at maroon spaghetti strap na may ruffles ang bikini top niya. Si Bianca naman ay black one-piece swimsuit at may suot siyang sarong.
"Ready?" I asked them
"Yes!" they cheered excitedly
Lumabas kami sa aming cabin at nakita naming nasa labas na ang mga boys at hinihintay kami.
"Daaaamn!" bahagyang binaba ni Ken ang kanyang aviators
"Knock it off!" Marga rolled her eyes
"Anong gusto niyong unahin na activity?" tanong ko sa kanila.
"Zip line!" Bianca suggested "Game kayo?"
Pumayag ang lahat na zipline ang una naming gagawin. Nang nandoon kami ay parang gustong umatras ni Nika. Aniya ay nalulula raw siya. Halos kaming lahat ay sinubukang kumbinsihin siya at sa huli ay pumayag naman siya.
"Grabe!" kapus ang hiningang sabi ni Nika "Exciting, pero at the same time nakakatakot"
"Sabi naman kasi sa iyo eh. Masaya 'yon" sabi ko sa kanya.
Sumunod naming ginawa ang banana boat pagkatapos ay ang parasailing. Nang mapagod sila ay nagyaya muna silang magpahinga at nagtanghalian na din kami.
Nasa mga hammock kaming mga girls samantalang ang mga boys ay nakahiga sa picnic mat. Ang sarap matulog ngayon. Langhap na langhap namin ang masarap na preskong hangin. Nakakaakit ang paghaplos ng hangin sa aking balat, pakiramdam ko ay ilang minuto na lang ay bibigay na ang aking mga mata.
Tinignan ko aking wrist watch maga-alas tres na. Mga dalawang oras din pala ako nakatulog. Tumingin ako sa mga katabi hammock at nakita kong gising na din si Bianca at busy na nagseselfie. Si Nika at Marga naman ay natutulog pa. Nang tumingin ako sa beach mat ay wala na doon ang mga boys. Iginala ko ang aking paningin para hanapin sila at nakita ko sila sa may malapit doon sa maraming palm trees na nakikipaglaro ng volleyball kasama ang mga babaeng hindi ko kilala.
Umupo ako sa hammock "Bianca, kilala mo ba kung sino 'yong mga kalaro nila?" tanong ko
Tinukod niya ang kanyang siko para bahagyang iangat ang kanyang katawan.
"Hindi" umiling siya at umirap "Hayaan mo sila. Nambababae na naman ang mga 'yan."
Bumalik ako mula sa pagkakahiga. Nakakatamad bumangon lalo na pag ganitong tirik na tirik ang araw. Siguro mamaya ko na lang sila ipapasyal pag hindi na masyadong mainit. Ayaw din naman nilang gawin ngayong araw na 'to lahat ng mga activities para raw may gagawin pa kami bukas.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
Narrativa generaleShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...