Epilogue

3.8K 108 51
                                    


EPILOGUE

A/N: Hi, readers! I would like to thank everyone for patiently waiting. Thank you for the love and support. Sorry kung matagal ko kayong pinaghintay busy kasi ako sa school at kakasimula ko lang sa trabaho ko. Pero gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy pa ring naghihintay at nag-aabang sa kwentong ito. Salamat!

She was the only girl who caught my attention. Unang araw ko pa lang siyang nakita ay pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko. I couldn't explain what was in her that made me stop from breathing. She was the only one who brought me into another dimension, a place I never knew it existed.

"Sinong tinitignan mo?" nakataas ang isang kilay ni Ana

Nagsasayaw kaming dalawa dito sa gitna kasama ang iba pang mga bisita nila ngayong araw ng kasal nila ni Dylan.

"Anong tinitignan?" nagkunwari akong hindi alam kung ano ang sinasabi niya

Pinalo niya ang braso ko "Hoy, wag yan"

Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ko dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Kapatid yan ni Dylan tsaka bata pa yan. Baka makasuhan ka pa ng child abuse" aniya "Isa pa, sasakit lang ang ulo mo diyan kay Sunny."

Sunny. So, that is her name. It suits her. She has this aura that brings joy to the people she meets. Everything seems light when she's around. 'Yong tipong kahit pasan mo ang mundo, basta nandiyan siya gumagaan ang lahat. She looks like an angel that could bring light, warmth, and happiness.

At naging sakit nga siya ng ulo ko. Simula nang makita ko siya sa araw ng kasal nila Ana at Dylan ay hindi na niya ako tinantanan. Nagigising na lang akong hinihingal at pawisan dahil sa mga panaginip ko tungkol sa kanya.

I would always dream about her under me, above me, bent over me. Fuck! I think I'm about to go crazy! Halos manghina ang mga tuhod ko sa tuwing naaalala ko ang mga panaginip ko.

Mabilis akong bumangon at naligo. Pilit ko siyang inaalis sa isipan ko, pero kahit anong gawin ko ay bigla-bigla ko na lang siyang naiisip. I even tried hooking up with other girls hoping to forget about her, but every time I kiss another girl, I would always see her sad angelic face at the back of my mind. Her face looks like she's accusing me of betraying her when in fact she doesn't even know me.

Minsan pag matutulog na ako ay siya ang palaging naiisip ko. Inaalala ko kung maayos ba siya. Kung may boyfriend na ba siya. Nagpapahalik ba siya? Hinahawakan kaya siya sa kung saan-saan? Biglang uminit ang ulo ko dahil sa mga pinag-iisip ko. Tangina gusto ko ng matulog ng maayos. Parang-awa mo na Sunny, patulugin mo na ako!

"Di ba gusto mong matutong mag-aral kung pano gumawa ng alak?" Tanong ni Dylan nang nag-iinuman kami sa bahay nila

"Oo. Bakit?"

"'Yong Lolo ko, Professor 'yon sa UCLA. Nagtuturo ng mga ganyan. Ba't di ka mag-enroll don?"

Of course, I know his grandfather, Pietro Romano, a well-known vintner in Italy. Isa siya sa mga hinahangaan ko pagdating sa paggawa ng mga wine.

Dahil sa tulong ni Dylan ay nakausap ko ang Lolo niya at nakapag-inquire rin ako kung ano ang gagawin at paano makapasok. Nakisabay ako sa kanila ni Ana papuntang LA para mas makakuha ako ng mga information sa pag-aaral ko ng Viticulture and Enology.

Isang semester lang akong nanatili sa LA at ang sumunod ay mga online classes na ang kinuha ko dahil kailangan ko ring tutukan ang aking plantation.

Pero sa pananatili ko doon ay muli ko siyang nakita. Pinagmamasdan at minamahal siya mula sa malayuan. Dahil hindi ko pa siya pwedeng lapitan kaya hanggang tingin na muna ako sa kanya. I know she will be worth the wait.

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon