Chapter 40
"What the hell?!" gulat kong sabi "What the fuck do you think you're doing?!"
"Aah!" nalukot ang mukha niya na parang ayaw ang narinig "San mo 'yan natutunan? Di ko tinuro sayo 'yan"
Umirap ako at baba na sana, pero pinalo niya ang kabayo kaya agad itong tumakbo.
"Thunder!" napasigaw ako sa gulat
Rinig ko ang halakhak niya na parang enjoy na enjoy siya sa ginagawa. Naiirita ako dahil sinasadya niya talagang idikit ang katawan niya sa likod ko. Pilit naman akong umuusod paharap para hindi kami magkadikit.
Napasinghap ako nang bigla niya akong hinila. Ramdam ko ang pagtama ng likod ko sa matigas niyang katawan. Muli akong umusod paharap. Pilit kong hinihila ang renda ng kabayo para tumigil ito ngunit sa tuwing bumabagal ang takbo ng kabayo at handa na itong huminto ay pinapalo niya ito kaya mabilis na naman ulit itong tatakbo.
Siniko ko siya dahil sa inis. Naririnig ko ang mahina niyang pagtawa na para bang sayang-saya siya na nakikita akong naiinis.
"Itigil mo na kasi!" galit kong sigaw
"Bakit?" mapang-akit niyang bulong. Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa buhok ko "I miss you. I miss your scent. I miss everything about you."
"I don't care!" humalukipkip ako at hinayaan siyang hawakan ang renda ng kabayo "And I don't miss you."
"Wala naman akong pakialam kung hindi mo ako namiss." sagot niya at pasimpleng niyakap ako "Basta ako miss na miss na kita."
Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakayakap sa bewang ko "Lumayo ka nga sa akin!" naiiritang siniko ko siya
"I don't think I can do that, Sunshine. Masyadong maliit ang space natin" ramdam ko ang pagngiti niya
"Bakit kasi dito ka sumakay? Ang dami mong kabayo, pero nakikisiksik ka sakin" umirap ako kahit hindi niya nakikita
Hindi siya sumagot, pero narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Anong nakakatawa?! Gusto ko siyang itulak, pero hindi ko 'yon gagawin dahil concern ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil kahit na naiinis ako sa kanya ay iniisip ko pa rin ang kung anong pwedeng mangyari sa kanya na hindi maganda.
Tumigil ang kabayo dahil hinila ni Thunder ang renda nito. Kukunin ko sana ang pagkakataon na 'yon para bumaba, pero mabilis niya akong pinigilan at kinulong sa mga braso niya. Ang mga kamay niya ay nakahawak sa saddle kaya hindi ako makababa. Parang tuloy nakayakap talaga siya sa akin.
May mga baka sa kapaligiran at malaya silang tumatakbo sa malawak na lupain at ang iba ay kumakain ng damo. Dati ay mga kabayo ang nandito, pero ngayon ay mga baka na. Siguro nga ay totoo ang sinabi ni Marga na inuumpisahan na ni Thunder na gawing cattle ranch ang ibang bahagi ng kanyang lupain.
"Marami ka na palang nabili na mga baka" ani Marga
Tumango siya "Kunti lang 'yan dahil titignan ko muna kung ano ang kakalabasan. Kung maganda ang resulta, dagdagan ko pa 'yan"
Inilibot niya kami sa buong lupain niya. Pinakita niya sa amin ang lahat ng parte nito, gaya ng ginawa namin noong unang pagpunta ko dito sa plantation niya. Pero hindi kami nagpunta sa falls.
Patuloy pa rin ang pagtakbo ng kabayo. Dahil alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi niya ako papabain dito sa kabayo at hindi siya titigil sa kakadikit sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Minsan hindi ko na rin napapansin dahil nagagandahan ako sa kapaligiran. Alagang-alaga niya talaga ang lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...