Chapter 10

8.7K 202 79
                                    

"Hoy, Jessa!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Hoy, Jessa!"

Pareho kaming nagulat ni Jessa dahil sa pagpalo nung lalaki sa desk namin. Isang babae at lalaki ang nakatayo ngayon sa harap ng desk. Gwapo at sobrang napakaayos ng pananamit ng lalaki. Ganoon din ang babae at maganda din siya.

"Uy, lafang na tayo. Gutom na akes!" Medyo pabulong na sabi nung lalaki

May pagka high-pitch ang kanyang boses at parang nahahalata ko na parang may iba sa kanya. I don't want to assume that he's gay. Minsan kasi napagkamalan kong bakla 'yong isa kong classmate dati dahil sa pananalita at kilos niya, ayon nagalit sa akin at di na ako kinausap.

Hindi ko din maintindihan kung anong sinabi niya, baka nagsasalita siya ng ibang dialect.

"Sino siya" narinig kong bulong nung babae

"Sunny" tawag sa akin ni Jessa kaya lumingon ako "Sila pala ang mga kaibigan ko"

"Hello!" Ngumiti ako sa kanila

"Hi!" Sabay nilang sabi, pero mas mataas ang energy nung lalaki

"Si Sunny bagong secretary ni Sir Thunder. Sunny si Kim at Ronie"

"Bakit kailangan ni papa T ng bagong secretary?" Usyoso ni Ronie "Ay girl, di ka na sapat para sa kanya"

Doon ko na confirm na bakla nga siya dahil tinawag niyang papa T si Thunder. Tsaka sobrang halata na ngayon dahil sa pangbabaeng boses niya at palagi niyang inaayos 'yong buhok niya.

"Ngango ka talagang bekimon ka" umirap si Jessa "Hintayin niyo ko dito itatanong ko lang kung may ipapabili siya"

Pumasok si Jessa sa loob ng office ni Thunder. Gusto ko sanang sabayan si Thunder na maglunch kaso baka magtanong sila. Ayokong malaman nila ang totoo. Ang gusto ko ay pakisamahan nila ako ng pantay at ayokong ituring nila ako na mas mataas kaysa sa kanila.

"Ilang taon ka na?" Tanong ni Kim

"Eighteen" sagot ko

"Eighteen ka pa lang, pero natanggap ka?" Nagtataka niyang tanong "Di ka nakapagcollege?"

"Magcocollege din pag nakapag-ipon na ko" uminit ang pisngi ko. Sana hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako "Summer job lang naman 'to. Mag-iipon lang ako pagkatapos mag-aaral na ulit ako"

"Ah" tumango tango si Ronie "Maganda yan. Siguro nakitaan ka nila ng potential kaya ka natanggap kahit di ka nakapagtapos ng college. Bakit di ka na lang pumunta sa Manila?! Ang ganda mo pa naman ateng. Sigurado akong pagkakaguluhan ka ng mga modeling agency doon"

Ganyan din ang mga sinasabi nila sa akin noong nasa LA pa ako. Minsan habang nasa mall kami ng mga kaibigan ako ay may lumapit sa akin at inalok ako na magmodel, pero tinanggihan ko. May mga nagsasabi pa na pwede daw akong pang Victoria's secret model, pero ayoko talaga.

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon