Chapter 28

2.8K 113 21
                                    


Chapter 28

Naramdaman kong may humahaplos sa aking pisngi kaya binuksan ko ang aking mga mata. Napakunot pa ako ng noo nang makita kong si Thunder iyon, pero agad ko ding naalala na sa kuwarto niya pala ako natulog.

"Good morning" I rubbed my eyes and then stretched my arms

"Good morning, Sunshine" he smiled

His hair was disheveled and wet. I could smell his shower gel and shampoo. His wearing a dark blue button up shirt, black belt, and a black pants.

"Wake up, sleepyhead" he chuckled "You still need to prepare for school."

I groaned inwardly. Gusto ko pang matulog. His bed feels so warm, I just want to sleep the whole day. Bakit kasi tumigil ang ulan? Sana umulan pa para walang pasok ngayon.

Bago ako pumasok sa banyo para maligo ay may iniabot siya sa aking paperbag.

"Binigay 'yan ni Tita Verna kaninang pumunta ako sa bahay niyo." aniya "Bilisan mong maligo para may oras ka pang kumain."

"Pumunta ka sa bahay?" gulat kong tanong "Anong oras ka pumunta? Anong ginawa mo doon?"

"Sasagutin ko lahat ng mga 'yan mamaya. Sa ngayon, maligo ka na muna." utos niya

Dahil maaga naman akong ginising ni Thunder ay sinulit ko ang oras ko sa pagligo. Nang matapos ay agad akong nagbihis at bumaba dahil wala si Thuder dito sa kuwarto.

Naabutan ko siyang naglalagay ng mga pagkain sa lamesa. Hindi nga niya napansin na nandoon ako. Sumisipol pa siya habang prine-prepare ang lamesa. Napasandal na lang ako habang pinapanood siya na may ngiti sa labi. It's so nice to see him like this.

"Hi!" he smiled when he saw me "Let's eat?"

"Hi to you too" I walked towards him and gave him a hug

Pinaghila niya ako ng upuan pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko. Naglagay siya ng mga pagkain sa plato ko.

"How was your sleep?" he asked

"Good!" I smiled "Ikaw?"

"Hindi ako masyadong nakatulog. May tumabi kasi sa akin ang likot matulog kung ano-ano pa nasasagi" sarkastiko niyang kuwento habang naglalagay ng pagkain sa kanyang plato "Pag gising ko nga lahat ng unan nasa sahig na"

Tumawa lang ako. Guilty naman ako ng malikot akong matulog. Nasanay kasi ako na mag-isa lang sa malaking kama. Mahimbing talaga ang tulog ko dahil masarap sa pakiramdam 'yong init ng katawan ni Thunder lalo na at malamig kagabi.

Habang kumakain kami ay napansin ko na medyo maayos na ang kanyang mga sugat. Napapailing na lang ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi.

Hinaplos ko ang mukha niya at pati na din ang ilang mga sugat niya "Masakit pa rin ba?"

Kinuha niya ang aking kamay at dinala ito sa labi niya "Maayos na. Magaling ka kasing mag-alaga"

Hindi ko napigilang mapangiti. Lumabi ako at kinurot ang ilong niya.

"Kailan ka pala pumunta sa bahay? Bakit di mo ako ginising?"

"Kanina lang. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi na kita ginising." sagot niya

"Anong ginawa mo doon?" tanong ko

"Nakapag-usap na kaming lahat kaya wala ka ng dapat ipag-alala?" hinaplos niya ang aking pisngi

"Pati si Dylan?" Tanong ko ulit

"Pati si Dylan." Tumango siya "Ayaw pa niya noong una, pero pinakiusapan siya ni Ana. We already settled down everything. I still have to earn your brother's trust, but I'm willing to show him that I deserve you."

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon