Chapter 47

2.7K 124 19
                                    


Chapter 47

Huling araw ng final exam namin kaya naman excited na akong matapos ang araw na ito. Last month pa ako pinagpaalam ni Thunder sa pamilya ko na dadalhin niya ako sa Cebu para makilala ang pamilya niya. Pumayag naman sila Daddy basta huwag lang daw akong papabayaan ni Thunder.

Last week ko pa naihanda ang mga maleta ko. Nagpatulong din ako kay Thunder dahil hindi ko alam kung ano ang dadalhin kong damit.

"Just bring whatever" he said while looking at my luggage.

"What do you mean bring whatever?" I frowned

"Baby," he wrapped his arms around my waist "You can wear whatever and you're still beautiful in it."

"Really?" my eyes turned to slits

"Really" he chuckled

Mabilis kong natapos ang mga exams ko dahil lahat ng mga inaral ko ay nandoon. Hindi rin kami masyadong nagkikita noon ni Thunder dahil busy ako sa pag-aaral kasama ang mga kaibigan ko. Minsan naman ay pumupunta siya sa bahay namin, pero pagre-review pa rin ang ginagawa naming dalawa. Sinabi niya sa akin kung ano ang mga kailangang aralin at tine-test niya rin ako. Nagtatanong siya ng mga posibleng questions at sinasagot ko naman ang mga ito.

Sa panghuling exam namin ay sabay kaming natapos ni Marga. Hinintay namin ang mga kaibigan namin sa labas ng classroom.

"Ang laking tulong nung pag group study natin" aniya "Nadalian lang ako sa mga exams natin. Ikaw?"

"Oo nga eh" tumango ako "Nadalian din. Lahat ng inaral natin ay nandoon sa exam"

Pagkatapos ng ilang minuto ay sunod-sunod na lumabas sila Nika.

"How was it?" Marga and I asked at the same time

"Okay lang. Madali naman pala." ani Nika

"Madali kasi nag-aral tayo" saad ni Paul

"Next time, alam na natin ha. Gawin natin ulit 'yong ginawa nating pag group study." sabi ni Skye

"Saan tayo?" tanong ni Bianca

"Baka di ako makasama. Mamaya na kasi 'yong flight namin ni Thunder papuntang Cebu" malungkot kong saad dahil hindi ako makakasama sa gala nila para mag-unwind pagkatapos ng ilang linggong pagrereview.

"Ayieeh!" tinusok ako ni Nika sa tagiliran "After ng meet the parents, baka magpakasal na kayo ah"

"Baliw!" nangingiting umiling ako

"Bilang na lang ang mga lalaking handa kang ipakilala sa pamilya niya" ani Bianca "'Yong iba, papasayahin ka lang tapos iiwan ka rin."

"Aysus! San galing 'yang hugot mo 'te?" nang-aasar na sabi ni Nika

Alas otso ng gabi ay hinatid na nila kami sa Laoag International Airport. Isang oras lang ang biyahe, pero matagal kaming naghintay sa Manila airport dahil mamayang madaling araw pa ang nakaschedule na flight namin.

"Are you hungry?" he asked. My head was resting on his shoulder

"No" I shook my head "But I'm sleepy"

"Put your head on my lap" he said

Since no one was seating next to us, he made me lay down on the chair and put my head on his lap. I was able to sleep for an hour before we can go inside the plane. Dahil inaantok pa ako ay nakatulog ako buong biyahe.

Pagkalabas namin sa airport dito sa Cebu ay madilim pa dahil madaling araw pa lang. Walang sumalubong sa amin ni Thunder na kamag-anak niya. Pumara lang siya ng taxi at pagkatapos ay huminto ang taxi sa harap ng hote. Monteleon. 'Yon ang nakalagay sa malaking building ng hotel at may ilaw ito para makita at mabasa ang hotel.

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon