Chapter 17"OH MY FREAKING GOD!!!" Sigaw ng mga kaibigan ko sa kabilang linya
Napangiwi ako sa lakas ng boses nila at inilayo ko ang cellphone mula sa tainga ko.
"SINO 'YONG LALAKING KASAMA MO! YOU FREAKING BITCH! KUNWARI KA PA NA NALULUNGKOT NA HINDI MO KAMI KASAMA, 'YON PALA NAGPAPAKASAYA KA DIYAN!!" Sigaw ni Cindy
"Secret!" tumawa ako
"Secret ka diyan!" naiimagine ko ang pagkunot noo ni Violet dahil sa boses niya
Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong nagre-request silang mag videocall. Nang tanggapin ko 'yon ay bumungad ang mukha nilang at nakadapa sila sa kama habang kumakain ng french fries.
"Kwento! Bilis!" nangigil na sabi ni Cindy
"Wala nga!" pilit kong tinatago ang ngiti ko.
Dapat ay matutulog na ako dahil maaga pa ang pasok ko sa school bukas, pero dahil sinagot ko ang tawag nila ay hindi yata ako makakatalog ng maaga.
Pagkagising ko kaninang umaga ay nagulat ako dahil sa dami ng likes at comment doon sa mga pictures na in-upload ko, lalo na 'yong mga pictures ni Thunder. As of now ay six hundred thousand and seven hundred fifty-four ang likes ng picture ni Thunder. May mga nagcocomment na...
Yes, Daddy!
Omg! What's his name?
Can someone please tell me his name? For research purpose only.
Is he your boyfriend, Sunny?
What a lucky bitch you are! Sooo jealous!
Bakit ko pa kasi in-upload 'yong pictures niya? 'Yan tuloy ang dami ng nagkakagusto sa kanya. I suddenly feel protective towards him kahit na wala naman dapat akong ipag-aalala dahil 'yong mga nagcomment ay taga ibang bansa.
Hindi ko alam kung dapat ko na bang burahin o kung hahayaan ko na lang dahil hanggang tingin lang naman sila.
"Ang bilis mo naman!" tukso sa akin ni Rona
"Huh?" nagtataka kong tanong
"Mag-iisang buwan ka pa lang yata diyan tapos may boyfriend ka na?" gulat niyang tanong
"Hindi ko nga boyfriend" umirap ako pagkatapos ay ngumiti "Hindi pa. Crush lang"
"Hindi pa? Crush lang? Pero ang sweet-sweet ng mga caption mo?" nagtaas ng kilay si Violet
"So?" nangalumbaba ako "Anong masama doon?"
"Baka naman hindi na crush yan?" nanliliit ang mga matang tinignan ako ni Cindy
Napabuntong hininga ako at ang imahe ni Thunder na topless habang nakasakay sa kabayo ang pumasok sa isipan ko. Hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Naku! Iba na yan!" naiiling na sabi ni Violet
"Iba na talaga" tumango-tango naman si Rona
Hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi nila. Dahil sa pamimilit nila ay kwinento ko sa kanila kung paano kami nagkakilala ni Thunder. Sinabi ko din sa kanila na nagtatrabaho ako bilang secretary niya.
"Huwag ka na mag quit!" sabi ni Cindy "Baka pag madalang na kayo magkita tumaas ulit 'yong walls niya wala ka na talagang pag-asa sa kanya."
Tumango-tango si Violet "Tsaka ang guwapo kaya ni Daddy Thunder! Baka mamaya maagawan ka pa ng iba! Kung ako sayo, hindi ko na yan papakawalan pa. Babakuran ko 'yan nang wala ng makaagaw."
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...