Chapter 24"Pumunta dito si Thunder kagabi kaso natutulog ka na." ani Manang Dory habang nilalapag ang aking juice sa tabi ng aking plato.
Halos mabulunan ako sa sinabi niya. Biglang natigil ang paghinga ko dahil sa nalaman.
"Totoo po?" hindi makapaniwalang tanong ko
Kumunot ang noo niya sabay turo sa kanyang mukha "Mukha ba akong nagbibiro?"
Nagkibit balikat ako. Hindi naman ako sigurado kung nagbibiro siya o hindi dahil iisa lang ang ekspresyon ng mukha niya. Kung paano siya masaya ay ganoon din pag seryoso siya. Tumigas na yata lahat ng muscles sa mukha ni Manang Dory kaya ganoon siya.
"Bakit di niyo po ako ginising?"
"Pinayagan pa nga siyang pumunta sa kuwarto mo para tignan ka, pero dahil mahimbing ang tulog mo ay hindi ka na niya inistorbo." kwento niya "Naku! Buti na lang at wala si Dylan dito dahil sigurado ako nasa labas pa lang siya ay pinauwi na niya si Thunder."
Napabuntong hininga ako. I don't want to ruin their friendship, but I also want to follow my heart. Tama si Denisse. I'll just let things happen the way it does. Paano ako matututo kung hindi ko susubukan? Sometimes, we only experience a moment in life once, so why don't we just seize it and learn from it? Because life is full of uncertainties. Things can happen differently from what we've imagined. Good and bad beginnings can have different endings.
I took a deep breath. I have made up my mind. I won't let anyone tell me what to do. I won't let anyone stop me from loving the man I want to love.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa taas para maghanda. Kinuha ko ang portrait ni Thunder na pinaint ko kahapon. Gusto kong ibigay ito ngayon sa kanya.
"Manong Cardo, daan po muna tayo sa bahay ni Thunder may ibibigay lang ako sa kanya."
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay ni Thunder ay tinignan ko ang aking cellphone. May mga ilang messages galing sa mga kaibigan ko at kay Thunder. Mabilis ko silang nireplyan pagkatapos ay binuksan ko 'yong kay Thunder.
-- Answer your phone, please? --
-- I'm home, Sunshine --
-- I want to see you before the night ends --
Wala sa sarili akong napayakap sa cellphone ko habang may matamis na ngiti sa labi. I can't wait to see him again. Three days without him felt like three years!
Akala ko talaga nakalimutan na niya ako noong hindi siya nagre-reply sa akin, pero siguro naging busy lang talaga siya. Lalo na at matagal na naman bago niya makakasama ulit ang buong pamilya niya.
Habang papalapit kami ng papalapit sa bahay niya ay mas lumalakas din ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement o kaba. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag itong nararamdaman ko.
Nang tumigil ang aming sasakyan sa harap ng gate niya ay maingat akong pumasok mula doon para hindi makagawa ng ingay. Gusto ko siyang surpresahin!
Pinindot ko ang doorbell na nasa tabi ng pintuan ng bahay. Sumilip ako sa bintana pero wala akong makita dahil nakasara ang kurtina.
Maya-maya ay narinig ko ang pag-unlock ng doornknob. Inayos ko ang aking buhok at tumayo ng matuwid. Tinago ko sa aking likuran ang painting na ginawa ko para sa kanya.
Laking gulat ko nang hindi si Thunder ang nagbukas ng pintuan kundi isang may katangkaran na babae. Hanggang balikat ang kanyang basang kulay brown na buhok halata na kakaligo lang niya dahil nakasuot lang din siya ng robe. Morena siya at payat. Medyo singkit ang kanyang mga mata, hindi katangusan ang ilong, at manipis ang kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Aphrodite's Magic
General FictionShe has the beauty of Aphrodite. And just like her, she possessed a magic girdle that hypnotizes him, making him so drawn to her. Can a Thunder Monteleon stop himself from owning her? Is he willing to break all the rules for her? No one can ever es...