Chapter 41

2.9K 145 23
                                    


Chapter 41

Madaling araw na nang matapos namin ang panonood ng mga movies. Nakatulog na ang mga kaibigan ko, pero ako kahit anong gawin ko hindi pa rin makatulog. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatulala sa kisame. Nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumaba ako dahil wala kaming naiakyat na tubig kanina.

Madilim sa labas ng kuwarto at tanging ang buwan sa labas lang ang nagbibigay ng kunting ilaw dito sa loob ng bahay.

Maingat akong bumaba sa hagdanan dahil baka mahulog ako. May ilang ilaw pala na nakabukas dito sa baba pero hindi ito sobrang maliwanag. Dahil medyo kabisado ko na ang ang pasikot-sikot dito sa bahay nila Marga ay hindi ako nahirapang hanapin kung nasaan ang kusina nila.

Binuksan ko ang ilaw at nang bumaha ang liwanag ay nagulat ako nang makita ko si Thunder na nakaupo sa isa sa mga upuan sa may island counter. Hindi siya umuwi sa bahay niya?

Nagtaas siya ng kilay. Napansin ko ang bote ng alak at ang basong hawak niya. Kahit na may laman pa ito ay nilagyan niya ng alak ang baso.

"Scotch or milk?" he asked

"I don't drink" mahina ang boses ko

"Good girl" he smirked

Kumuha siya ng baso mula sa cabinet at binuksan ang ref. Kinuha niya mula doon ang karton ng gatas at nagsalin sa baso.

"Here" iniabot niya ito sa akin

"Thanks" umiwas ako ng tingin

Tatalikod na sana ako para bumalik sa kwarto namin, pero muli siyang nagsalita kaya napahinto ako.

"I know you're mad at me and I shouldn't be asking you this, but can you stay even just for a bit?" he asked "Please?"

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at naglakad ako papunta sa counter at humilig doon. Kanina lang nasasaktan ako dahil sa pagpaparinig niya, pero ngayon walang pag-aalinlangan akong sumang-ayon sa hiling niya. Ano ba itong nangyayari sa akin? Siguro dahil ito na 'yong oras na gusto ko na siyang makausap? Handa na ba akong pakinggan siya? Bukas na ba ang isipan at puso ko na pakinggan ang mga paliwananag niya?

Siguro nga dapat na kaming mag-usap para mawala na 'yong sakit sa tuwing naaalala ko 'yong nangyari. Maybe I have to let out everything in order to be free from all the things that's keeping me from being happy.

Wala kaming imikan. I took a sip of my milk while he downed a glass of alcohol. Gusto ko mang kausapin siya, but I don't know how to initiate the conversation lalo na parang ang awkward ng air sa gitna namin.

"May gusto sana akong sabihin. Pwede bang huwag kang umalis?" nagmamakaawa ang kanyang mga mata

Huminga ako ng malalim at pinikit ang aking mga mata. Gusto kong ihanda ang aking sarili sa kung ano mang sasabihin niya. Gaya ng sabi ni Mommy, I have to keep my mind open and just listen to what he's going to say. If I get hurt once again, I just have to learn how to keep going with my life and learn from the painful events.

"Okay" I said softly

Kahit na kinakabahan ako ay pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Maybe this is the right time. Kailangan ko na ring makinig sa kanya para maliwanagan na ako.

Umupo ako sa upuan na nasa harapan niya.

"I have broken a lot of hearts during my college days. I played with different girls every other day, every week, I'm not even sure if I lasted with one girl for a month. I didn't care then. I didn't care if they yell at me because I hurt them. I didn't care if they got into a fight because of me." he sighed and shook his head "But things changed when I saw this girl. She was the most beautiful bridesmaid in her brother's wedding."

Aphrodite's MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon