Kabanata VI

3.1K 76 0
                                    

Bababa na sana ako nang may marinig akong nagsalita sa harapan ko.


"Magtira ka sabi ng kaunting kahihiyan sa sarili mo. You don't need to shout when you have something to say. Don't be an attention seeker," saad niya.


Tiningnan ko kung sino 'yong nagsalita. Bumungad sa akin ang nakakabwisit na mukha ng Gabriel na 'to. Bwisit talaga! Badtrip na nga ako, babadtripin pa ako nitong lalaking 'to. Bakit sa dinami-dami ng mga estudyanteng pwede kong makasalubong ay siya pa talaga ang nakasalubong ko?


"Wala ako sa mood makipag-away please," kalmado kong saad sa kaniya kahit kumukulo na ang dugo ko dahil nabubwisit ako sa pagmumukha at presensiya niya. Nakaka-alibadbad lang.

"Oh really? Hindi pa ako nakakaganti sa'yo sa ginawa mo sa akin kagabi. Sa ginawa mong pang-aapak sa paa ko," sabi niya sa akin at lumapit siya sa harapan ko. Ngumiti siya nang nakakaloko at nakakaasar sa pagmumukha ko. Suntukin ko kaya siya?


Bwisit talaga 'tong lalaking to. Napipikon na ako. Kalma, Isabelle! Inhale. Exhale.


"Padaanin mo na nga ako. Kung gusto mong makipag-away sakin, 'wag ngayon. Mainit ang ulo ko," kalmado kong tugon sa kaniya kasi mainit talaga ang ulo ko at wala ako sa mood makipagbarahan sa kaniya ngayon. Ayaw kong mag-emotional breakdown sa harapan niya.


Binangga ko na siya since nakaharang siya sa may hagdanan. Bago pa ako makababa, hinawakan niya ako sa braso. Tumingin ako sa kaniya nang masama tapos binawi ang braso ko na hawak-hawak niya.


"Ano bang kailangan mo ha? 'Wag ka ngang papansin kasi may klase pa ako at ikaw rin!" sigaw ko sa kaniya kasi namumuro na siya. Ang kulit niya, sabing wala ako sa mood makipag-away at makipagbarahan sa kaniya.

"You look so really pissed off," he smirked and he smiled like he's really annoying me.


Dahil nasagad na ako sa kapikunan, ubod lakas ko siyang sinigawan.


"Ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko ha?! Wala ako sa mood makipaglokohan sa'yo! Kung gusto mong gumanti sakin, oh sige! Suntukin at sapakin mo ko kung 'yan ang ikaliligaya mo!" sigaw ko sa kaniya nang ubod lakas na pwede nang marinig hanggang sa kaharian namin.


Naging seryoso ang mukha niya sa pagsigaw ko. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa lakas at dire-diretso kong pagsigaw sa kaniya. Tumalikod na ako sa kaniya at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mata ko. Ayaw kong makita niya akong umiiyak at malaman niyang panalo siya kasi napaiyak niya ako. Never!

Bumaba na ako at pumunta na ng training ground. Hindi ko na napigilang umiyak kasi nasaktan ako sa kwento kanina ni Professor Augustus na isang kasinungalingan at binuwisit pa ako no'ng Gabriel na 'yon. Umiyak na ako sa galit. Bihira akong umiyak pero hindi ko na kinaya.

Nakarating na rin ako sa training ground na sobrang lawak kasi dito na kami magpa-practice ng mga element namin. Hinanap ko agad si Ariana at Zoe. Madali ko naman silang nahanap dahil sa kulay ng robes namin. Napatingin naman sila sa direksyon ko.


"Oh Isabelle, saan ka galing? Bakit ang tagal mo? Kanina ka pa namin hinihintay," pagtatanong ni Zoe sa akin habang nakatingin silang dalawa sa mukha ko.

"Buti, hindi pa nagsisimula. Teka? Umiyak ka ba? Bakit ganiyan ang mata mo?" tanong naman ni Ariana at tiningnan niyang mabuti ang mukha ko.

"Teka lang ha. Isa-isa lang ang tanong. Mahina ang kalaban. Natagalan ako kasi may asungot na humarang sa akin tapos hindi ako umiyak no. Napuwing lang ako pagbaba ko kasi ang hangin dito," palusot ko sa kanila para hindi na humaba masyado ang pagtatanong nila.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon