Chapter 33
"Athena, habulin mo ako!" Sabi ng isang batang lalaki sa batang babae at tumatakbo sa isang garden na may malaking fountain sa gitna.
"Nandiyan na ako Ian!" Sabi naman ng batang babae sa batang lalaki at naghabulan sila paikot sa malaking fountain.
"Huli ka! Ang bagal mo naman tumakbo Ian. Naabutan kita!" Sabi batang babae.
"Eh kasi binagalan ko para maabutan mo ako." Sabi naman ng batang lalaki.
"Ang sabihin mo, mabagal ka talaga Ian." Sabi ng batang babae.
"Binagalan ko nga para maabutan mo ako...para ikaw naman ang habulin ko." Sabi naman ng batang lalaki sabay kindat sa batang babae. Nagblush naman ang pisngi ng batang babae.
Biglang kumirot ang ulo. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasilaw ako sa liwanag na tumatama sa mata ko. Nakita ko naman ang isang dark green na kisame. Bigla namang kumirot ang ulo ko. Asan ako? Anong nangyari sa akin?
Dahan-dahan akong gumalaw pero biglang kumirot ang tagiliran ko at masakit din ang katawan ko. Hindi ako makagalaw ng maayos pero pinilit kong bumangon kahit hirap na hirap ako. Umupo ako sa kama kung saan ako nakahiga ngayon. Lumiwanag naman sa paningin ko ang isang kwartong dark green ang kulay. Inilibot ko ang paningin ko sa loob at wala akong makitang tao? Asan ako? Kinapa ko ang ulo ko dahil sa sakit at may naramdaman akong benda na nakatali dito. Itinaas ko rin ang kumot na nakataklob sa akin at may benda din sa may parteng tagiliran ko at makirot pa ito. Anong nangyari sa akin?
Asan ako? Anong nangyari? Asan sina Ariana at Zoe? Asan sila? Bababa na sana ako para hanapin sila pero biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Ariana at Zoe. Nanlaki naman ang mga mata nila at parang naiiyak na. Anong mga problema nito? Tumakbo naman sila agad sa akin.
"Gising ka na Isabelle!" Saad ni Zoe sa akin at niyakap kaagad ako na parang naiiyak na.
"Arayyy!" Daing ko naman kasi kumirot yung tagiliran ko nang madali niya nang pagyakap niya sa akin.
"Isabelle, gising ka na!" Sabi naman sa akin ni Ariana at hinawakan ang mga mukha ko at tumulo na ang mga luha niya. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit sila umiiyak?
"Ano ba kayo? Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko sa kanila kasi para silang ewan na umiiyak ngayon sa harapan ko.
"Sandali lang, tatawagin ko lang sina Gabriel para sabihing gising ka na." Paalam sa amin ni Zoe at dali-dali siyang lumabas ng kwarto at tumakbo. Bakit tatawagin niya si Gabriel? Ano bang meron? Tapos anong nangyari sa akin? Bakit may benda ako sa ulo at may sugat ako sa tagiliran? Patuloy naman na umiiyak si Ariana sa harapan ko at parang ewan na nagpapasalamat kasi okay na daw ako. Tatanungin ko na sana si Ariana kung anong nangyari sa akin pero hindi ko na naituloy kasi nagulat ako ng may magsalita sa may pinto.
"Isabelle?"
Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Gabriel na hingal na hingal. Oh? Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Hindi ko naman maintindihan ang mukha niya kasi naiiyak siya na parang natatawa. Lumapit siya sa akin at napaligon ako sa likuran niya kasi dumating na din sina Ezekiel at Calvin kasama si Zoe.
Lumapit sila sa akin at nabigla naman ako ng hinawakan ni Gabriel ang mga kamay ko.
Gabriel's Point of View
Nandito ako ngayon sa isang kwarto nina Ezekiel at Calvin at nakatambay sa maliit na terrace nila. Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa labas habang nag-iisip. Isang linggo na din ang nakalipas mula ng may mangyari kay Isabelle. Isang linggo na rin siyang hindi nagigising at hindi ako makatulog o kaya makakain ng ayos sa mga araw na iyun kasi patuloy ko paring sinisisi ang sarili ko sa nangyari sa kaniya. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Isabelle dahil hindi ko siya naprotektahan ng araw na yun kung kailan naman nasa tabi ko siya. Wala akong nagawa.