Kabanata 26

1.6K 35 0
                                    

Chapter 26

Nagulat ulit ako ng bigla niya akong itinago sa likuran niya.

"Anong nangyayari, Nigel?" Tanong ko sa kaniya.

"Mga Cerberus..."

"Ano?" Tanong ko ulit sa kaniya pero hindi siya nagsalita sa halip ay bigla siyang humarap sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Magtago ka Isabelle sa likod ng puno na ito." Sabi niya sa akin na parang nagpapanic.

"Huh? Bakit?" Tanong ko sa kaniya kasi naguguluhan ako.

"Basta, wag kang lalabas dito." Sabi niya sa akin habang kita mo sa galaw niya ang panic.

"Hindi ko maitind..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko kasi may narinig akong isang napakalakas na tunog na parang mula sa isang higanteng hayop.

Nagulat at nanlaki ang mga mata ko ng may makita akong tatlong malalaking aso. Ang bawat aso ay may tatlong ulo at naglalaway ang mga ito. Agad naman akong itinago ni Nigel sa likod niya habang naglalakad papalapit sa amin ang tatlong aso na may mga tatlong ulo.

"Grrrrrrr!" Ungol ng isa sa mga Cerberus.

Hinila naman kaagad ako ni Nigel pabalik sa puno at itinago ako sa likuran ng Tree of Wishes.

"Isabelle, wag kang lalabas dito, okay?" Sabi niya sa akin habang nakahawak siya sa mga balikat ko.

"Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kaniya ng may pag-aalala kasi hindi ko alam ang gagawin niya.

"Kailangan kong kalabanin ang mga Cerberus kaya dito ka lang." Sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

"Hindi pwede Nigel. Tatlo sila at malalaki pa, hindi mo kaya!" Sigaw ko sa kaniya kasi hindi ba niya iniisip na pwede siyang mamatay?

"Kailangan kong gaw..." Hindi na naituloy ni Nigel ang sasabihin niya sa akin kasi bigla na lang siyang tumalsik palayo sa akin at lumipad papunta sa mga sunflowers.

Napatayo ako sa gulat at kaba sa layo ng tinalsik ni Nigel at nakita kong nahihirapan siyang tumayo. Napatingala naman ako at nakita ko malapit sa akin ang isa sa mga Cerberus at nakatingin sa akin. Naglalaway ang mga bibig ng tatlong ulo ng Cerberus. Naglalakad siya papalapit sa akin kaya napapaatras ako hanggang ang puno na ng Tree of Wishes ang nasa likuran ko. Susugurin na sana ako Cerberus ng bigla siyang napatingin sa direksyon ni Nigel na nakatayo na kahit halatang nahihirapan siya dahil sa pagtalsik niya.

Ikinumpas ni Nigel ang kaniyang mga kamay at may lumabas na napakalaking bola ng apoy at pinatalsik niya iyon sa Cerberus na nasa harapan ko. Napaatras naman ang Cerberus na nasa harapan ko at lalong nagalit. Lumapit naman kay Nigel ang dalawa pang mga Cerberus at pinalibutan siya.

"Tumakas ka na Isabelle! Iligtas mo na ang sarili mo!" Sigaw niya sa akin habang patuloy siyang nagpapalabas ng apoy sa kanyang mga kamay. Pinalilibutan siya ngayon ng galit na galit na mga Cerberus at sa kahit anong oras ay pwede siyang sugurin at atakihin ng mga ito.

Takot pa rin ako at kabado hanggang ngayon hanggang tinitingnan si Nigel na pinalilibutan ng mga Cerberus. Hindi ko pwedeng iwan mag-isa si Nigel dito. Hindi ko kaya. Sinagip niya ang buhay ko noon kaya oras naman na para sagipin ko siya ngayon. Huminga ako ng malalim at nilakasan ang loob. Ako ata ang Dark Princess at wala dapat akong katakutan!

"Hindi kitaw iiwan dito!" Sigaw ko kay Nigel na umiikot para tingnan ang mga nakapalibot sa kaniyang mga Cerberus.

Tumakbo ako palayo sa puno at sa mga Cerberus at pumuwesto sa may malawak na lupain. Huminga ulit ako ng malalim at nagconcentrate. Pumikit ako at itinaas ang mga kamay ko at ikinumpas iyon. Sa isang iglap ay may lumutang na tubig sa aking mga palad. Ubod lakas ko itong inbinato sa isa sa mga Cerberus. Napatingin naman sa akin ang Cerberus at maging si Nigel. Ikinumpas ko ulit ang kamay ko at itinapon papunta sa mga Cerberus at sunod-sunod na lumabas ang mga tubig sa mga palad ko at basang-basa na ngayon ang mga Cerberus na lalo nilang ikinagalit. Hindi naman ako nabigo at nakuha ko ang atensyon ng tatlong Cerberus.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon