Chapter 37

1.2K 29 0
                                    

Chapter 37

Gabriel's Point of View

Naglalakad ako mag-isa papunta sa aking kwarto habang naglalakad ako na parang zombie dahil patuloy ko pa ring iniisip ang mga nakita at nasaksihan ko kanina. Kitang-kita ko mula sa mga mata ni Isabelle ang galit at pangigigil ng kalabanin niya si Cassandra. Hindi! Hindi ako papayag Isabelle na tuluyan kang kainin ng galit at poot sa puso mo. Hindi ako papayag.

Nagulat ako ng may biglang taong humawak sa braso ko at iniharap ako. Nakita ko si Nigel na nasa harapan ko at matalim na nakatingin sa akin na parang galit. Nakatindig siya sa harapan ko at hindi gumagalaw. Ano bang kailangan nito?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya. Napangisi at napatawa naman siya na parang naiinis.

"Layuan mo si Isabelle." Sabi niya sa akin ng diretso. Ano? Layuan ko si Isabelle? At sino naman siya para utusan ako? Baka nakakalimutan niya, prinsipe ako at prinsipe din siya kaya pantay lang kami kaya wala siyang karapatang utusan ako at pasunudin sa gusto niya.

"Paano kung ayaw ko?" Mayabang kong tanong sa kaniya. Ngumiti din ako ng nakakainis sa harapan ng mukha niya. Nakita ko naman na nainis siya at nagsimula nang mag-igting ang kaniyang mga panga. Kilala ko si Nigel, hindi siya pumapayag na maagaw ang mga gusto niya.

"Baka nakakalimutan mo, ikakasal ka na." Sabi niya sa akin na ikina-igting din ng mga panga ko at ikinakuyom ng mga kamao ko. Alam ko! Hindi mo na kailangan sabihin sa akin. Hindi ko naman ipinahalata na naiinis ako sa kaniya.

"Hindi ko nakakalimutan pero kaya kong hindi ituloy ang kasal kung gugustuhin ko." Maangas kong saad sa kaniya. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa?

"Talaga? Kahit utos ni King Sebastian?" Tanong sa akin ni Nigel habang nakangiti ng wagas. Suntukin ko kaya ang mukha mo gamit ang mga kamao ko. Pinipigil ko ang sarili ko na hindi siya suntukin sa mukha dahil magagasgasan ang napakakinis kong kamao at hindi bagay sa akin ang makipagbasag-ulo, prinsipe ata ako.

Hindi naman ako kaagad nakapagsalita ng banggitin niya ang pangalan ni Dad. Kaya ko nga bang suwayin si Dad? Kaya ko bang kalabanin ang pamilya ko? Pero bakit ganito? Pinakawalan ko na ang lahat ng galit ko ah. Pinakawalan ko na ang lahat ng takot ko at nangako sa babaeng mahal ko na kaya kong kalabanin ang lahat kahit ang pamilya ko para sa kaniya. Binalik ko naman ang presensya ko sa katawan ko at sinagot siya.

"Baka hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Sabi ko sa kaniya at nginisihan siya. Ipinakita ko sa kaniya ang nakakainis kong ngiti na naghahamon ng away. Napatawa ulit siya.

"Wag ka nang magtapang-tapangan Gabriel. Alam ko naman na hindi mo kayang suwayin ang mga utos sayo ni King Sebastian kahit sariling kasiyahan mo ang nakasalalay." Sabi niya at tumawa sa harapan ko. Iniinis niya ba ako?

"Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin sa akin. Inisin mo na ako ng inisin pero hindi ko susundin ang gusto mong layuan si Isabelle kasi wala akong pakialam sa lahat ng sasabihin mo." Matapang kong sabi sa kaniya. Wala talaga akong pakialam sa lahat ng sasabihin niya. Hindi niya ako kayang diktahan at hindi ko kayang layuan si Isabelle... hindi ko kaya.

Nakita ko naman na nainis at nagalit si Nigel sa sinabi ko base sa naging reaksyon ng mukha niya. Tinawanan ko siya para mas lalo siyang mainis. Nakita ko rin na kinuyom na rin niya ang kaniyang mga palad. Ano? Wag mo akong inaangasan dahil mas maangas ako sayo Nigel.

"Layuan mo si Isabelle!" Madiin niyang sabi sa akin at nagsimula nang mamula ang mga mata niya. Hindi naman humaba ang mga kuko niya at nagkapangil pero hindi ako nasindak sa pamumula ng mga mata niya.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon