Chapter 22
Isabelle's Point of View
Nagising ang maganda kong katawang lupa ng maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Minulat ko ang aking magagandang mata at nakita ko si Zoe at Ariana sa harapan ko.
"Hoy Isabelle, gumising ka na nga dyan." Sabi nila sa akin.
Tamad akong naupo sa kama at inayos ang mukha at buhok ko.
"Saan ka galing kagabi?" Tanong nila sa akin.
Nakaharap sila sa akin at nakacross arms. Ano 'to? Interrogation?
"Huh?" Tanong ko.
"Kaninong damit yang suot mo?" tanong nila sabay turo sa akin at dun sa damit na suot ko.
Napatingin naman ako sa damit na suot ko at nanlaki ang mga mata ko. Shet, kay Gabriel 'to ah. Nagflashback sa akin ang lahat ng nangyari kagabi. Napatingin ako sa kanila. Nakatingin pa rin sila sa akin para bang may napakalaki kong kasalanan.
"Aber?" Sabi ni Ariana.
"Ah... ano, ewan ko." Palusot ko.
Nakita kong tumaas ang mga kilay nila sa akin at umiling-iling.
"Sino kasama mo kagabi?" Tanong naman ni Zoe.
Hindi ko pwedeng sabihin na si Gabriel. Aasarin ako ng mga ito to the highest level.
"Wala at bakit nga ba ako nakasuot nito?" Tanong ko sabay tanggal nung robe sa akin.
"Nagsisinungaling ka Isabelle. Sino ang kasama mo kagabi?" Tanong ulit ni Zoe.
"Wala nga." Palusot ko.
"Magsabi ka ng totoo, Isabelle." Sabi ni Ariana.
Hays, ang kulit talaga ng mga ito. Sasabihin ko ba na si Gabriel ang kasama ko kagabi at ang may-ari nung robe na suot-suot ko? Tapos hindi ko rin naman na naaalala ang mga nangyari kagabi at bakit nandito na ako paggising ko?
Dahil hindi rin naman ako tatantanan ng dalawang ito ay mabuti pang sabihin ko na.
"Oo na. Magsasabi na ako ng totoo." Sabi ko sa kanila.
Nakatingin pa rin sila sa akin.
"Si Gabriel ang kasama ko kagabi at sa kanya ang robe na ito." Mahina kong sabi kasi nahihiya ako. Ewan ko kung bakit.
Hindi sila umimik at nakita ko silang nagtinginan lang. Ilang minuto rin silang ganun tapos sabay silang tumili na rinig hanggang Assembly Hall siguro.
"Ahhhhhhhhhhh!" Tili nila yan.
Napatakip naman ako ng tenga dahil ang sakit sa tenga ng mga tili nila. Sarap nilang hampasin ng mga unan.
"Tama na!" Sigaw ko sa kanila habang hindi ko pa rin tinatanggal ang mga kamay ko sa tenga ko.
Tumigil naman sila kakatili at lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Pareho silang nasa bawat gilid ng kama. Si Ariana sa kanan at si Zoe sa kaliwa.
"Alam naman namin, Isabelle." Sabi ni Ariana na ang ngiti ay pwede nang umabot sa langit.
"Oo nga Isabelle. Alam naman namin na si Gabriel ang kasama mo kagabi. Tinetest lang namin kung magsasabi ka ng totoo." Sabi rin ni Zoe na abot langit ang ngiti.
"Bakit niyo alam?" Pagtataka kong tanong. Bakit nila alam?
Walang sumagot sa tanong ko sa halip ay nagtinginan na naman sila at maya-maya at nagsipag titili na naman. Pinaghahampas nila yung kama na parang nababaliw. Nagwawala sila na parang ewan. Kinuha ko yung dalawang unan sa kama ko tapos sabay ko silang hinampas ng unan. Natigil naman sila sa pagsisigaw.