Chapter 32
Gabriel's Point of View
Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Isabelle. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at tuloy-tuloy ang daloy ng mga luha ko. Hindi ito maawat. Inangat ko ang ulo niya sa lupa at dumaloy sa mga palad ko na nakasalo sa ulo niya ang dugong mula sa ulo niya. Nakita kong tumatagas din ang dugo mula sa may tagiliran niya na may pana. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakapikit si Isabelle at may konting dugo rin ang lumalabas sa bibig niya. Patuloy ang pintig ng puso ko na sobrang bilis na hindi na ako makahinga. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang patuloy na umaagos sa mata ko.
"Isabelle... wag kang bibitaw." Sabi ko sa kaniya habang tinatapik ang kaniyang pisngi at agad ko siyang binuhat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero isa lang ang nasa isip ko, kailangan ko siyang mailigtas. Kahit gustuhin ko mang habulin ang gumawa sa kaniya nito ay hindi ko na nagawa dahil sa pagkabigla at kailangan magamot si Isabelle at matigil ang pagdaloy ang dugo sa may tagiliran at ulo niya.
Tumatakbo na ako sa corridor ng kaharian habang karga-karga siya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniyang masama. Patuloy pa rin ang pagluha ko habang tumatakbo sa corridor ng kaharian.
"Tulong!" Sigaw ko kahit walang tao sa corridor. Nakasalubong ko naman sina Ezekiel at Calvin at agad nila akong nakita. Nagulat sila ng makita nila ako at si Isabelle na wala nang malay.
"Anong nangyari kay Isabelle?!" Tanong ni Ezekiel na gulat na gulat.
"Tulungan niyo ako!" Naluluha kong sabi sa kanila at agad naman nila akong tinulungan. Tumakbo sila Calvin papunta sa kwarto namin habang si Ezekiel ay tumakbo para tawagin si Headmistress at ang ibang mga professors.
"Isabelle... wag kang bibitaw... nandito lang ako... hindi ko... hahayaang may... mangyari sayong masama." Bulong ko sa kaniya habang patuloy pa ring tumatakbo. Agad ko namang inihiga si Isabelle sa kama ng kwarto namin at agad akong tumakbo papunta kay Kylee. Tumakbo ako ng sobrang bilis habang pinapahid ang mga luha ko sa pisngi. Nakita ko naman agad si Kylee at sinabing kailangan ko ng tulong niya.
Nadatnan ko naman sa kwarto si Calvin na binabantayan si Isabelle at patuloy na dumadaloy ang dugo niya sa kama namin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nagulat si Kylee sa nakita niya at agad niyang tinanggal ang panang nakabaon sa tagiliran ni Isabelle. Maingat niyang tinanggal ang pana at matagumpay niya itong naalis.
Dumating na din ang ibang mga professors at si Headmistress at isang healer. Agad nilang pinalibutan si Isabelle at pinalabas kami ng kwarto. Isinara nila ang pintuan at naiwan kami na nakatayo sa labas. Hindi ko na ulit napigilang umiyak at sisihin ang sarili ko sa nangyari kay Isabelle. Hindi ko na sana siya inasar para hindi na siya tumakbo palayo. Ang tanga mo Gabriel! Ang tanga tanga mo!
Dumating naman yung mga kaibigan ni Isabelle at nagtanong kung ano ang nangyayari. Hindi ko sila sinagot pero sinabi nina Ezekiel kung ano ang nangyari kay Isabelle. Umiyak rin sila katulad ko. Napasandal na lang ako sa pader at napaupo. Nanatili akong nakaupo at nakayuko at tumulo na naman ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit nangyari iyon? Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay Isabelle kasi wala akong nagawa para ipagtanggol siya. Hindi ko siya napagtanggol sa ikatlong pagkakataon na nasa panganib siya. Hindi ko siya nailigtas kung kailan naman nandun ako sa tabi niya.
Hindi ko mapigilan ang mga iyak ko. Tumabi naman sa tabi ko si Kylee at hinawakan ako sa balikat at sinusubukang patahanin.
"Magiging okay din Kuya si Ate Isabelle. Wag ka nang mag-alala." Sabi sa akin ni Kyle habang nakatabi siya sa akin at patuloy na hinahaplos ako sa likuran. Napatingin naman ako sa kaniya at kita ko sa mukha niya na malungkot din siya.