Chapter 50
Gabriel's Point of View
"Gabriel, magsisimula na. Hindi ka pa ba bababa? Ikaw na lang ang hinihintay."
Hindi ko inintindi ang mga sinabi sa akin ni Ezekiel. Hindi ako kumibo kahit nakabihis na ako. Patuloy lang ako sa pagtanaw sa paglubog ng araw mula dito sa bintana ng aking kwarto. Patuloy rin ang paghampas ng malamig na hangin sa mukha ko na nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa akin.
Naramdaman ko na lang na tumabi sa akin si Ezekiel at tumanaw din sa labas. Nililipad ang kaniyang buhok dahil sa lakas ng hangin. Pinagmamasdan ko lang ang paglubog ng araw dahil para sa akin napakaganda ng ibig sabihin ng sunset. Sunset means endings can be beautiful too. Pero hindi ito applicable para sa akin. Hindi kasing ganda ng sunset ang magiging katapusan...namin.
Patuloy lang ako sa pagtanaw ng papalubog na araw at pinagmamasdan ang angking ganda nito dahil pagkatapos ng paglubog ng araw ngayon, ay matatapos na din ang pag-asa ko na magiging maganda ang ending ng aming kwento. Tama siya. Hindi kami talaga kaming dalawa para sa isa't isa. Hindi kami para sa isa't isa dahil magkaiba kami...magkaibang-magkaiba. Kahit anong gawin ko at kahit pagbali-baliktarin ang mundo ay hindi na nun maalis ang katotohanan...ang katotohanang...magkaiba kami ng mundo.
Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha sa aking pisngi. Hinahayaan ko lang na umagos ito. Kahit sandali lang ay gusto kong mailabas ang lahat ng mga luha ko. Gusto kong ilabas ang mga luha ko na dahil sa kaduwagan ko...at dahil sa kagagawan ko. Alam ko, kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit nandito ako sa sitwayson na ito.
Masakit isipin at ayaw kong isipin...na simula sa araw na ito ay bibitawan ko na ang babaeng totoong mahal ko at sisimula ng panibagong buhay kasama ang babaeng dati kong minahal. Natatakot din ako...natatakot din ako na sa oras na ipaglaban ko ang pagmamahal ko kay Isabelle ay malaman nila ang totoo. Hindi ko kaya...hindi ko kayang mapahamak si Isabelle dahil sa pagmamahal ko kaya tama siguro ito...tama sigurong gawin ang bagay na ito...ang tuluyan na siyang bitawan. Mahal kita, Isabelle...mahal na mahal at kaya kong gawin ang lahat para sayo...para sa kaligtasan mo.
Pinunas ko ang mga luha ko. Binasa ko ang mga labi ko at inayos na rin ang suot-suot kong coat. Bumuntong-hininga ako at muling tiningnan ang papalubog na araw. Ipapaalala ng papalubog na araw sa dakong kanluran ang wagas na pagmamahal ko sayo, Isabelle. Mahal na mahal kita. Patawad din dahil hindi ko matutupad ang pangako ko sayo...na ikaw na, hanggang dulo. Patawad.
Napalingon ako kay Ezekiel ng tapikin niya ako sa balikat. Hindi ko naalala na nasa tabi ko pala siya. Nakita ko siya na nakatingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang lungkot at awa sa akin. Ngumiti naman ako ng pilit at pinunas ang mga natitirang luha sa mata ko. Hindi nagbago ang mukha niya at patuloy lang ang pagtingin sa akin.
"Wala ka bang gagawin Gabriel?" Tanong sa akin ni Ezekiel habang diretsong nakatingin sa akin at hindi naaalis sa mukha niya ang awa at lungkot habang tinitingnan ako.
"Anong sinasabi mo?" Balik kong tanong sa kaniya at tumawa ako ng pilit para hindi niya mahalata ang lungkot sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa labas.
"Alam kong hindi mo na mahal si Athena dahil mas mahal mo na si Isabelle." Diretsong saad niya sa akin at bigla akong napatingin sa kaniya.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kaniya habang pilit na tumatawa at hindi ko nagagawang tumingin sa kaniya. Ibinabaling ko na lang ang tingin ko sa labas habang hinahampas kami ng malamig na hangin mula sa labas dahil malapit nang dumilim.