CHAPTER LXII

1.2K 23 0
                                    

Cassandra's Point of View

Tulala ako sa aking kwarto. Hindi ko alam ang gagawin at ang iisipin ko. Masyadong maraming nangyari nitong mga nakaraang araw at hindi ko alam kung paano ko ito ipoproseso nang sabay-sabay.

Una, nag-aalala ako para sa kalagayan ni Gabriel. Hind siya mahanap ngayon at alam ko na sumugod siya ng Dark Side para kay Isabelle. Napapaluha ako sa tuwing iniisip iyon. Maswerte si Isabelle. Napaka swerte niya dahil may Gabriel na laging nasa tabi niya, may Gabriel na laging nagpoprotekta at nagliligtas sa kaniya, may Gabriel na mahal na mahal siya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako magustuhan ni Gabriel. Ano bang mali sa akin? May mali ba sa akin kasi hindi ko maintindihan. Kahit anong pilit kong intindihin ay hindi ko maintindihan. Bakit hindi ako magawang mahalin ni Gabriel? Bakit hindi niya ako magawang mahalin katulad ng kay Isabelle? Masakit pero na-realize ko na tama na. Pagod na rin ako.

Nakakapagod rin pala no? 'Yong tipong ipinagsisiksikan mo ang sarili mo sa isang taong hindi makita ang halaga mo, sa isang taong walang balak na mahalin ka pabalik. 'Yong tipong kulang na lang ay lumuhod ka sa kaniya, mahalin ka lang niya kahit kunwari o kahit saglit, pero wala talaga.

Pagod na rin akong maging kontrabida. Pagod na akong maging masama. Pagod na akong maging matapang kasi sa totoo lang ay napakahina ko. Masakit man gawin pero pinapalaya ko na si Gabriel. Na-realize ko na panahon na siguro para maging masaya ako para kay Gabriel. I just realized that I'm a victim of unrequited love.

Pangalawa, kay Isabelle. Naiinis ako sa kaniya! Naiingit ako sa kaniya! Naiingit ako dahil maraming nagmamahal sa kaniya! Umiiyak ako gabi-gabi dahil do'n. Nakakainis siya kasi siya ang mahal ni Gabriel pero mas nagalit ako sa kaniya nang nagawa niyang traydurin si Gabriel. Minahal siya ni Gabriel pero niloko niya lang si Gabriel. Nagpanggap siya bilang kakampi kahit kalaban siya. Nakakainis kasi mahal pa rin siya ni Gabriel sa kabila noon.

Pero hindi ko rin mapigilang maawa para kay Isabelle. Nalulungkot ako at naaawa para sa lahat ng nalaman ko sa kaniya, na siya ang nawawalag anak nina King Caesar at Queen Celestina, na ipinagkait sa kaniya ang lahat ng panahon at oras na dapat masaya siya at kapiling ang pamilya niya. Napagtanto ko na maswerte pa rin ako. Naaawa ako sa lahat ng dinanas niya.

Ngayon, wala na akong galit sa kaniya. Pinapalaya ko na ang lahat kasi nakakapagod. Nakakapagod makipag-away, maging kontrabida at maging masama. Napagtanto ko na kailangan kong maging masaya sa kanilang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't isa at ako ang isa sa mga saksi no'n. Mahal na mahal nila ang isa't isa at ako ang humadlang no'n.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang lumuluha habang iniisip ko ang lahat ng iyon. Hindi ko inaasahan na darating pala ako puntong ito na matututo akong magparaya at magpatawad. Sa dami ng dinanas ko, magagawa ko pa lang ngumiti at maging masaya. Masaya ko ngayon dahil maluwag na ang dibdib ko.

Pero hindi ko mapigilang hindi mag-alala para kay Isabelle at Gabriel. Sa mga pwedeng mangyari sa kanila at sa buong Majika dahil sa digmaan. Nabalitaan ko na ang pagkawala ni Sean at hindi ko alam kung ano pa ang mga susunod na pwedeng mangyayari.

Hindi ko mapigilang hindi matakot. Nahagip ng mata ko ang liwanag mula sa sumisilip na asul na buwan.

Huminga ako nang malalim. Tumayo ako at lumabas sa terrace ng aking kwarto. Handa na ako. Gagawin ko ito para sa aking sarili, kay Gabriel at sa buong Light Side. Kung ang digmaan ang magiging sagot para sa katahimikan ng Majika, sasali ako.

Malapit na ang oras.


Nigel's Point of View

Hindi ako mapakali sa paghahanda ng aking mga armas. Nakahanda na ang espada at pana ko. Nakahanda na rin ang lakas ko para sa nalalapit na digmaan. Malapit nang dumilim kaya't malapit na ring lumiwanag ang kalangitan sa asul na buwan.

Naupo ako sa kama ko at tumigil sandali. Sumagi sa isip ko si Isabelle. Lumapit ako sa bintana ng kwarto ko at agad dumampi sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin.

Hindi ko akalain na darating ako sa puntong ito. Hindi ko akalain na darating ang oras na masasaktan ko si Isabelle. Nagsisisi ako, sobrang nagsisisi dahil nasaktan ko at naghirap si Isabelle dahil sa akin.

Aaminin ko na nagalit at kinamuhian ko si Isabelle nang malaman ko na isa siyang Dark Side dahil pakiramdamam ko ay trinaydor niya ako, na trinaydor ako ng babaeng sobrang mahal ko pero kahit gano'n ay hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa kaniya.

Mahal na mahal ko si Isabelle kaya nagalit ako sa kaniya at sa sarili ko kasi hindi ko siya kayang saktan o kaya'y patayin kahit isa siyang kalaban. Mahal na mahal ko siya.

Pero tanggap ko na, na hindi ako ang lalaking mahal niya. Na hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ko sa kaniya. Hindi naman ako umaasa na mamahalin niya ako pabalik dahil sa simula pa lang ay alam kong iba na ang gusto niya, na si Gabriel ang mahal niya dahil nakikita ko iyon sa mga galaw at mata niya. Nagbabasakali lang ako na kapag madalas akong lumapit sa kaniya ay mapansin niya ako.

Pero hindi na ako magiging isang malaking hadlang sa kanilang dalawa dahil tanggap ko na, na kaibigan lang ang turing sa akin ni Isabelle, na ako at siya ay hindi pwedeng maging isa.

May kaba at takot akong nararamdaman ngayon para kay Isabelle. Alam naming lahat na bihag siya ngayon ng Dark Side at nasa panganib siya. Natatakot ako para sa kalagayan at kaligtasan niya. Hindi ko siya kayang mapahamak . Kahit gano'n ang turing niya sa akin, patuloy ko siyang mamahalin.

Huminga ako nang malalim. Bumabalik sa akin ang lahat ng mga alaala. Malapit nang sumilip ang asul na buwan. Malapit nang sumapit ang oras.

__________________________________________________________

I wanna hear your thoughts.

Tweet me: Engr. Lara (@royxlara)

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon