Chapter 45
(Author's Note: Before you read this chapter, marami akong sasabihin. Maraming author's note dito kaya basahin niyo na lang hahaha. Maraming music din ang kailangan dito kasi maraming eksena dito. And I recommend na gabi niyo 'to basahin para mapicture-out niyo at mafeel niyo ang mga scenes pero kung makulit kayo, kayo bahala. You take the risk pero mas maganda pag gabi. Yun lang. Sana maappreciate niyo ang chapter na 'to. Thank you!)
Isabelle's Point of View
"Hindi ba masyadong daring?" Tanong ko kina Ariana at Zoe na kasalukuyang nagmimake up sa harap ng salamin. Tumingin naman sila sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Parang kinikilatis nila ang bawat detalye ng aking suot.
"Umikot ka nga Isabelle." Utos ni Ariana sa akin kaya sumunod ako sa kaniya. Umikot ako ng dahan-dahan at muling humarap sa kanila. Tiningnan ko muli ang suot-suot ko at tiningnan sila.
"Ano? Ayos lang ba? Hindi ba masyadong daring?" Tanong ko ulit sa kanila habang hinahawakan ko ang suot kong ball gown.
Siguro nagtataka kayo kung anong meron ngayon at nakasuot ako ng ball gown. Kung hindi niyo matatanong, sasabihin ko na lang. Yes! Ngayong gabi na ang Elemental Magic Ball namin, ngayong gabi na! Abala na sina Ariana at Zoe sa pagmimake up sa mga sarili nila kasi isang oras na lang, magsisimula na ang ball. Nakasuot naman na ako ng gown ko dahil pinauna na nila ako kasi sobrang bagal ko daw kumilos. Sila ay hindi pa nakakabihis at kasalukuyang nagmimake up sa harap ng salamin at inabala ko sila para tanungin kung ayos lang ba ang gown ko.
"You look perfect, Isabelle!" Sabi sa akin ni Ariana habang patuloy siya sa paglagay ng foundation sa kanyang mukha. Nakatingin din si Zoe sa akin at ibinaba ang kanyang hawak na make up at pumalakpak ng tatlong beses.
"Perfect!" Matinis na sigaw ni Zoe.
"I know right! Pero pwera biro, ayos lang ba talaga ang gown ko? Kasi feeling ko masyadong revealing eh." Sabi ko sabay tingin ulit sa suot-suot kong gown.
"Ano ka ba? Ganyan talaga yan tapos, yan talaga ang bagay sayo kasi sila na nagtahi niyan. Diba nga, binase nila ang gown and suits base sa features ng magsusuot kaya yan talaga ang bagay sayo kaya wag ka nang mag-inarte." Sabi sa akin ni Ariana at pinagpatuloy ang pagfafoundation sa harap ng salamin. Nakabihis na ako at minake-up(an) na rin ako nina Ariana at Zoe kanina. Sila naman ngayon ang nag-aasikaso kasi tapos na ako.
"Oo nga Isabelle, napakaperfect mong tingnan ngayon." Sabi naman ni Zoe habang naglalagay ng lipstick sa kanyang mga labi.
"Ngayon lang?" Mataray kong tanong sa kanila.
"Syempre always! Always tayong tatlo!" Masiglang sabi ni Ariana at tinaas pa ang kamay with matching wave pattern. Napatawa naman kami sa sinabi ni Ariana.
"At tsaka Isabelle ayos lang yan para maakit na sa iyong kagandahan si Prince Gabriel." Dugtong pa ni Ariana at binigyan ako ng isang makahulugang tingin. Alam ko na iniisip nito.
"Maakit? Duh! Never kong aakitin si Gabriel." Mataray kong sabi sa kanila habang umiikot-ikot at pinapalipad ang suot kong ball gown.
"Okay, sabi mo eh." Tipid na sagot ni Ariana at pinagpatuloy na ang pagmimake up. Hindi ko naman na sila inabala pa kasi baka kung ano na naman ang sabihin ni Ariana. Iba rin kasi ang isip ng babaeng 'to eh. Pero jusko, baka maconcious ako sa harap ni Gabriel mamaya. Masyado kasing daring and revealing ang gown ko, sa tingin ko. Para maimagine niyo, I'll describe it. Kayo ang humusga kung revealing talaga ang suot ko.
Nakasuot ako ngayon ng isang malaking ball gown na tube na kulay maroon. Kumikislap ito dahil maraming nakakabit ditong mga kumikislap na sequins. Nahighlight ang kaseksihan ko dahil fit ito sa may waist and spread ang baba nito. Napakalaki nito at sayad sa sahig. Naiilang ako kasi tube ito at masyadong kita ang aking cleavage. Pero nagagandahan din ako kasi mas lalong nahighlight ang kaputian ko dahil sa kulay ng gown ko.