Kabanata V

3.5K 82 1
                                    

Bigla akong nagising nang may naramdaman akong yumuyugyog sa akin. Ano ba? Natutulog 'yong tao oh. Panira naman ito ng tulog.

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Ariana na nakatindig sa harapan ko habang sinusuklay ang basa niyang buhok.


"Good morning, Isabelle! Gising na, ano ba? May pasok pa tayo," sabi ni Ariana sa akin habang naglalakad papunta sa salamin at doon ipinagpatuloy ang kaniyang pagsusuklay.


Bumangon ako sa kama ko at umupo ng ilang segundo. Medyo nahihilo ako dahil sa ginawang pagyugyog sa akin ni Ariana at pang-iistorbo sa maganda kong tulog.

Nakita ko silang nag-aayos na ng mga sarili. Mukhang nakaligo na sila at handang-handa nang pumasok. Sandali, anong oras ba pasok namin?


"Good morning, Isabelle," bati ni Zoe sa akin habang sinusuklay niya rin ang basa niyang buhok habang papunta sa cabinet namin. Binuksan niya iyon at kinuha ang kaniyang robe.

"Walang maganda sa umaga. Nasira ang tulog ko," angal ko sa kanila nang may pagtataray at tumayo na rin sa kama ko.

"Mag-ayos ka na Isabelle kasi baka ma-late tayo. I'm super excited!" tili ni Ariana. Ang hyper talaga nito. Para siyang kinikiliti ngayon na parang ewan.

"Hindi naman halatang excited ka. Oo na, maliligo na ako," sabi ko sa kaniya tapos naglakad na ako papunta sa bathroom na parang pagong kasi na-istorbo ang tulog ko at wala pa ako sa mood mag-asikaso pero napilitan ako dahil sa sobrang excitement nila. Binuksan ko na ang pinto sa bathroom at pumasok na.

"Bilisan mo ha. Kakain pa tayo sa baba!" sigaw niya ulit sa akin.

"Oo na," sigaw ko rin kasi nasa loob na ako ngayon ng bathroom. Sobrang excited naman nitong si Ariana.


Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili kong repleksiyon na nakangiti. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng mga kaibigang katulad nila dahil si Dad lang ang nakakasama ko sa kaharian and I don't have sister nor brother, except pala sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya. Hinahanap ko siya before akong umalis sa kaharian pero hindi naman siya nagpakita. Alam naman niya na aalis na ako tapos hindi man lang niya ako kinausap o hindi man lang siya nagpakita sa akin. Bahala siya sa buhay niya.

Back to them, kaya ang sarap pala sa feeling na may mga kaibigan.

Hinubad ko na ang damit ko at naligo na ako. Ang sarap maligo. Nasarapan akong maligo kaya natagalan ako. Talagang nilinis ko nang masyado ang katawan ko. Fresh na ako pero mas magandang fresh na fresh ako.

Nagulat ako nang may kumatok sa pinto.


"Isabelle, matagal ka pa ba riyan? Male-late na tayo," saad ni Ariana as usual. Hindi niya ba talaga ako tatantanan?

"Malapit na akong matapos. Huwag ka ngang istorbo riyan," sabi ko sa kaniya. Kinuha ko na 'yong towel ko at lumabas na ng bathroom.

"Ang tagal mo, alam mo 'yon?" pagtataray ni Ariana sa akin with emotionless stare.

"Anong oras ba ang start ng class natin?" tanong ko sa kaniya habang inaayos ang towel na nakatakip sa buo kong katawan.

"8:00 am," tipid niyang sagot sa tanong ko habang nakangiti sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin at lalong lumaki 'yong ngiti niya.

"Excited ka namang masyado. Sobrang aga pa oh. 7:00 am pa lang, 8:00 am pa pala ang start ng class natin," sermon ko sa kaniya tapos kinuha ko na yung uniform ko sa cabinet namin.

"Ayos na 'yon kaysa naman ma-late tayo tapos kakain pa kaya tayo. Sabi nga 'di ba sa kasabihan, early bird catches the worm," depensa ni Ariana habang inaayos ulit 'yong suot-suot niyang robe.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon