Chapter 41
Isabelle's Point of View
"Okay. That's end our practice today. You could now take your rest. Thank you!" Sabi ni Olivia sa amin at nagsimula nang lumabas ang mga estudyante sa Great Grand Hall ng kaharian. Binitawan naman na ni Gabriel ang pagkakahawak sa baywag ko at sa kamay ko. Ilang oras din akong hindi makahinga ng maayos at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Nakatingin lang ako sa may dibdib niya.
Eh kasi naman, hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matingnan sa mata ng diretso na nagagawa ko naman dati. Traydor din kasing masyado ang puso ko. Dapat hindi ka tumitibok kay Gabriel. Bakit? Sabihin mo sa akin puso kung bakit? Hays, nasisiraan na talaga ako ng ulo. Kausapin ba naman ang puso.
Binitawan ko na rin ang mga hawak ko sa balikat at hindi siya tiningnan. Baka mahimatay ako sa harapan niya at mahulog ako... sa sahig. Kailangan kong mahanap sina Ariana at Zoe para makaalis na kami dito sa lalong madaling panahon. Hinanap ko naman sila gamit ang mga mata ko, malamang. Asan na ba sila? Umalis na kaya ako sa harapan niya nuh? Tama!
"Ah Gabriel, aalis na ako. Hahanapin ko na sina Ariana, mauna na ako." Sabi ko sa kaniya habang hindi tumitingin sa mga mata niya pero alam ko na nakatingin siya sa akin kasi nararamdaman ko. Alam kong maganda ako Gabriel pero nakakaoffend na ang sobra mong pagtitig sa akin. Nacoconsious na ako sobra!
Aalis na sana ako para hanapin sina Ariana at Zoe kaso biglaniya akong hinawakan sa may wrist at iniharap sa kaniya. Napatigil ako at biglang napatingin sa kaniya kaya nakita ko na naman ang mukha niya. Pero hindi na tulad kanina na nakangiti, poker face na siya nngayon. Nakakunot din ang mukha niya. Anong problema niya?
"Bakit?" Tipid kong tanong sa kaniya habang nakatingin sa mga mata niya. Atleast ngayon, nakakaya ko nang tingnan siya sa mata.
"Isabelle...may problema ba?" Tanong niya in a monotonous tone habang seryosong nakatingin sa akin. Problema Gabriel? Meron , ikaw! Yung mga tingin at ngiti mo sa akin! Natutunaw ako kaya please lang, wag kang ganyan!
"Huh? Wala ah." Syempre, pagdi-deny ko. Ayokong ipahalata na affected ako ng presence niya kasi alam ko na aasarin na naman niya ako pag pinahalata ko. Hindi dapat niya malalaman na affected ako sa kaniya. No way!
"Ayaw mo ba akong partner?" Tanong niya sa akin. Halata ko naman ang lungkot sa boses niya nung sinabi niya ang tanong na yun sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita agad. Ayaw ko nga ba talagang maging partner siya? Ayaw ko ba talaga? Nahahalata niya siguro yun pagiging speechless ko and cold the whole practice na hindi ko dati ginagawa kapag kaharap siya, eh kulang na lang ay magpatayan kami dati. No, Gabriel! That's not what I want to imply.
"Si Nigel ba ang gusto mong partner? Napilitan ka lang ba kanina?" Sunod niyang tanong sa akin at wala naman akong nasagot kahit isa. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya ng diretso at nakikita ko ang anong lungkot sa mga mata niya. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya.
"Sorry Isabelle. Hayaan mo, kakausapin ko mamaya si Nigel at siya na ang magiging partner mo. Sorry kung nabigla at napilitan ka lang kanina." Malungkot niyang sabi at naglakad na siya palabas. Para naman akong nanigas dahil sa sinabi niya. Halaaa! No! Hindi yun ang gusto kong sabihin sayo Gabriel!
Natauhan naman ako at nakita ko si Gabriel na palabas na ng Hall. Nakikipagsiksikan siya ngayon sa mga estudyante para makalabas. Agad ko naman siyang hinabol pero nakalabas na siya at naharang na ako ng mga estudyante kaya hindi ko na siya mahabol. Kailan ko siyang mahabol! Baka magalit yun sa akin! Hindi naman yun ang gusto kong iparating sa kaniya!
Pilit akong nakipagsiksikan sa mga estudyante pero hindi talaga ko makasingit. Nakita ko naman sina Ariana, Zoe, Ezekiel at Calvin sa may likod ko at nagtataka sa pagmamadali ko.