Chapter 23

1.8K 47 1
                                    

Chapter 23

Nandito na kami nina Ariana at Zoe sa Assembly Hall. Lahat pala ng estudyante ay nandito na. May mahalaga daw na announcement si Headmistress.

Hindi ko mapigilang hindi hanapin si Gabriel. Opps hindi dahil namimiss ko siya or what pero dahil kailangan ko siyang makausap. Mamaya na nga lang. Humarap na kami sa unahan ng tumayo si Headmistress.

"Good Morning students!" Bati ni Headmistress.

"Good Morning Headmistress!" Bati namin sa kanya.

"Alam ko na nagtataka kayo kung bakit nagpatawag muli ako ng urgent meeting for all of you, eh nagmeeting naman na tayo kahapon. Changed plan. Mamaya tayo aalis papunta ng Southern Kingdom kaya maghanda na ang lahat." Announce ni Headmistress.

Nag-ingay ang Assembly Hall dahil sa announcement ni Headmistress. Napangiti naman ako dahil sa excitement.

"Excited na ako guys!" Sabi ni Ariana.

"Ako rin." Sabi ni Zoe.

"Me too." Sabi ko sa kanila. Napatingin naman silang dalawa sa akin.

"Oh? Why?" Tanong ko sa kanila.

"Himala, hindi na siya KJ. Hahaha." Tawa ni Ariana.

"Sira!" Sabi ko.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa harap at nakinig kay Headmistress.

"Maghanda na ang lahat para sa pag-alis natin. Thank you!" Sabi ni Headmistress sabay baba sa stage sa unahan. Nagtayuan naman na kami at nilisan (wow lalim) ang Assembly Hall. Pero bago kami makaalis sa Assembly Hall ay may tumawag sa akin.

"Isabelle!"

Lumingon ako at nakita ko si Prince Nigel na tumatakbo papalapit sa amin.

"Grabe! Haba ng hair talaga ni Isabelle." Sabi ni Ariana.

"Wag ka ngang maingay." Saway ko sa kanya.

"Grabe ka. Pinagtakbo mo ako. Pagod!" Daing ni Prince Nigel.

"Sino ba kasi nagsabi sayo na habulin mo ako tapos ano ba kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw huh, binabara mo na ako pero okay lang. Ahm, I just want to say na ako magtotour sayo pagdating natin sa Southern Kingdom." Saad ni Prince Nigel.

"Hinabol mo talaga ako para sabihin yan?" Tanong ko.

"Oo. Basta huh, ako ang maglilibot sayo sa bawat sulok ng Southern Kingdom kasi alam ko yun." Sabi niya habang nakangiti.

"Paano kami Prince Nigel? Sino sasama sa amin?" Tanong ni Ariana na halata nang mag-iinarte.

"Oo nga Prince Nigel." Second the motion nitong si Zoe.

"Ako bahala sa inyo pagdating niyo dun." Sabi ni Prince Nigel.

"Naku wag na Prince Nigel. Nakakahiya, baka maging abala pa kami sayo." Sabi ko. Hindi na nahiya 'tong dalawang to.

"No. Hindi ka naging abala para sa akin." Sabi ni Prince Nigel.

Hays, ito na naman siya. Nagpapakilig na naman out of the blue. Nekekeenes ke Prince Nigel. Enebe. Hahaha.

"Salamat Prince Nigel. Mauna na din kami kasi maghahanda pa kami. Ikaw din." Sabi ko sa kanya.

"Sige Isabelle. See you later! Bye!" Paalam ni Prince Nigel at umalis na.

Pinagkukurot ko naman sina Zoe pagkaalis na pagkaalis ni Prince Nigel kasi ang kakapal ng mga mukha. Hindi na hiya.

"Hoy kayo, hindi na kayo nahiya kay Prince Nigel." Sermon ko sa kanila.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon