Chapter 35
Isabelle's Point of View
Naglalakad ako ngayon sa may corridor ng kaharian at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hinahayaan ko lang ang mga paa ko na dalhin ako kahit saan. Para naman akong pagong na naglalakad sa sobrang bagal dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi. Iniisip ko pa rin ang naramdaman ko kagabi habang kasama ko si Gabriel sa gilid ng lawa habang iniilawan kami ng libo-libong sky lanterns sa langit.
Nakakainis ka Gabriel! Nakakapikon ka! Pinapahirapan mo akong masyado. Nililito mo ako. Pinapalambot mo ang puso ko. Nililihis mo ng landas ang mga plano ko, pero hindi dapat ako magpatalo sa nararamdaman ko sayo. Kailangan hindi ako magpaapekto. Kailangan pigilan ko ang sarili ko kasi isa kang kalaban. Hindi dapat kita pagkatiwalaan. Hindi dapat ako mahulog sayo ng tuluyan.
Para pa rin akong pagod na naglalakad sa may corridor. Dinala naman ako ng mga paa ko sa malawak na training ground ng kaharian na nasa likod ng kastilyo. Napakalawak nito at napakaganda. Napatigil ako sandali at napahinga ng malalim.
Nahagip naman ng paningin ko ang isang babaeng nagtitraining. Tiningnan ko siyang mabuti at mukhang nahihirapan siya. Isa rin siyang water element manipulator base sa kulay ng robe na suot niya. Lumakad ako papalapit sa kaniya at habang papalapit ako ay lumilinaw sa akin ang kaniyang mukha. Si Kylee pala. Nagpapractice siya sa pagpapalabas ng tubig gamit ang kamay niya pero mukhang nahihirapan siya base sa reaksyon ng mukha niya at hindi siya nakakapagpalabas ng tubig. Lumapit ako sa kaniya habang nililipad ang robe na suot ko ngayon dahil sa hangin.
"Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong ko kaya't napalingon naman siya sa akin.
"Ikaw pala Ate Isabelle!" Masayang bati niya sa akin at niyakap ako. Hindi ko sana siya yayakapin pabalik pero parang pinilit ako ng sarili kong katawan na gawin yun.
"Mukhang grabe at puspusan ang pagpapractice at pagtitraining mo ah." Sabi ko sa kaniya habang tinitingnan siya.
"Kailangan kasi Ate eh, malapit na ang Elemental Quest Tournament kaya kailangan kong galingan at magdoble sikap. I need to prove myself." Sabi niya ng malungkot sa akin habang nakatingin sa lupa. Naaawa naman ako sa kaniya. Awa? Hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. I should never feel pity to anyone. Paano ko sila kakalabanin kung may awa ko? I should be merciless.
"No. You don't need to prove yourself to anyone. Just be yourself, Kylee." Sabi ko sa kaniya habang hinahawakan siya sa balikat. No! It can't be. Bakit ko siya tinutulungan? Bakit ko siya minomotivate? Why I'm doing this?
"Thank you Ate! Sobrang bait mo talaga." Sabi niya at ngumiti sa akin. No, Kylee. Hindi ako mabait. Wag mo akong pagkakatiwalaan dahil sa huli, magagalit at kasusuklaman mo ako.
"Saan ka ba nahihirapan?" Tanong ko sa kaniya.
"Tutulungan mo ako Ate?" Excited at masayang tanong ni Kylee sa akin. Kita ko sa reaksyon niya na nabuhayan siya ng loob.
"Di ba nangako ako sayo na kapag may oras ako, tutulungan at tuturuan kita?" Sabi ko sa kaniya at ngumiti. Ngumiti rin naman siya sa akin pabalik.
"Thank you talaga Ate Isabelle! I'm so honored na tuturuan ako ng isang napakagaling na tulad mo." Sabi niya sa akin. I know right, char!
"Let's start!" Sabi ko naman sa kaniya at nag-umpisa na kami.
Pinakitahan ko muna siya kung paano i-wave ang kamay, ang tamang hagod at strokes. Namamangha naman siya sa tuwing pinapakitahan ko siya. Inikot ko ang aking kanang kamay paikot sa aking ulo. Lumiwanag ito ng kulay asul at saka lumabas ang napakaraming tubig. Hindi tumitigil ang paglabas ng maraming tubig sa aking mga kamay hangga't hindi ko isinasara ang mga palad ko.