Chapter 16

2K 50 3
                                    

Chapter 16

"Anong ginagawa mo?"

Napalingon agad ako sa likuran ko ng may marinig akong nagsalita.

"Ow, nagulat ba kita?" Tanong niya sa akin at biglang lumayo.

Narelieve ang kaba ko ng makita kong siya lang pala. Akala ko naman kung sino. Wait, kilala ko to eh! Nakita ko na siya and narinig ko na ang pangalan niya. Hindi ko lang matandaan kung sino siya.

"Bakit nakakunot ang noo mo diyan?" Tanong niya. "Ah! Alam ko na, you're trying to figure out who is the handsome man in front of you, right?"

Natawa ako sa sinabi niya. But he's right. Talagang inalala ko kung saan ko siya nakita. Pero hindi yung handsome na sinasabi niya hahaha.

"Hays, para hindi ka na mahirapan. I'm Ezekiel! Liam Ezekiel Clifford." Pakilala niya sabay lahad ng kamay sa akin para makipag shakehands.

Tama! Naaalala ko na siya. Siya yung lalaking kasama parati ni Gabriel tapos ng isa pang lalaki and classmate ko din na Air student. Ezekiel nga ang panagalan niya kasi nabanggit yun ni Gabriel before. Tinanggap ko naman yung kamay niya.

"Ah I'm sorry if hindi kita matandaan kanina." Apologize ko.

Wait? Nag-apologize ako? For what? Teka, parang bumabait na ako ah. Hindi pwede.

"It's okay. You're Isabelle, right?" Tanong naman niya.

"Yes, you're right. I'm Isabelle." Sabi ko.

"Oh! Finally, nice meeting you Isabelle." Sabi niya.

"Parang di mo naman ako nameet na dati sa room." Sabi ko.

"Formally kasi ngayon." Sabi niya.

"Okay." Tipid kong sagot.

"By the way, anong ginagawa mo kanina diyan sa pinto?" Tanong niya sa akin.

He must not know it. Kailangan hindi niya malaman na gusto kong pumasok sa loob para hindi siya maghinala sa akin.

"Ah, diyan ba? Wala, nadaanan ko lang kanina tapos napatigil lang ako." Palusot ko.

"Bakit ka naman mapapatigil? Parang wala naming interesting sa room na 'to." Sabi niya sabay lapit sa pinto.

"Ano kasi... nacurious lang ako." Sabi ko.

"Iba ka din eh noh? Kalawanging kadena, maalikabok na pinto at hindi mabasang karatula ang nag arouse ng curiousity mo." Saad niya.

"Hindi kasi, parang there's something very mysterious sa loob." Sabi ko.

Tiningnan niya ako and tiningnan mabuti ang pintuan.

"Parang wala naman. It's just an old room." Sabi niya.

"Parang gusto kong pumasok diyan." Sabi ko.

Gusto kong makita ang reaksyon niya kasi parang feeling ko may alam siya kung ano ang nasa loob nito.

"Can't you read this sign, Isabelle? THIS IS OFF LIMITS." Basa niya sa sign.

"Kaya nga mas may thrill eh kasi bawal, what do you think?" Tanong ko sa kanya.

"Wala kang mapapala diyan Isabelle kasi lumang kwarto lang naman 'to and specifically an old library base sa karatula." Sabi niya.

"Sabagay." Sabi ko para hindi na siya magduda.

"Tara na Isabelle, sabay na tayong bumalik sa dormitories natin." Anyaya sa akin ni Ezekiel.

"Let's go." Sagot ko.

Princess IsabelleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon